52

805 40 9
                                    

"DALIA!"

Habol na tawag ko sa bata, ngunit hindi ako nito hinintuan ni tignan ay dirin ito nag abala basta patuloy lamang ito sa mabilis na paglalakad..

Tumakbo na ako para lamang mahabol ang anak ng makabunggo ko ang isang napakatigas na bagay? Dahilan upang tumalsik ako at mapaupo sa lupa..

"Ano bayan! Tignan mo nga ang dinadaanan mo miss!"

Angil na sigaw sa akin ng isang matandang ginoo

Ngunit ang balak na paghingi ng paumanhin saaking bibig ay naiwan ata sa kawalan ng makita ko ang isang kotseng kulay abo at tinted ang salamin ang siya nalamang huminto sa tabi ng anak ko at may dalawang lalaki ang siyang lumapit kay Dalia at kinausap ito..

Nangatog ang mga tuhod ko sa paa ngunit pinilit kong makapante dahil maayos ang mga pananamit ng mga ito at minsan konading nakikita ang mga katulad nila kay Janus na laging nakaaligid..

Mga bodyguard..

Ngunit ang sasakyan ng mga ito ay ngayon ko lamang nakita?

"Patawad ho" hinging tawad ko sa ginoo ng hindi inaalis ang tingin sa anak kong nakakunot na ang noo habang kausap ang mga  lalaki..

Naglakad na ako palapit sakanila ng..

Bigla nalamang dinikit ng lalaking nakabunggo ko kanina ang kanyang sarili mula saaking likuran at lihim na mahigpit na hinawakan ang dulo ng tela ng damit ko sa likod at isang matigas na bagay ang sumusundot saking likuran..

"Subukan mong sumigaw babarilin kita" bulong na banta ng lalaki

At doon nagsimulang mabuo ang mga pawis ko sa noo at tumambol ng pagkalakas lakas ang aking puso sa takot..

"Wag kang mag alala kami ng bahala sa anak mo, may pakinabang ang mga tulad ng anak mo sa lipunan" nakakalokong ngisi na bulong na anya pa nito..

"Sino kayo" hindi ko naitago ang takot sa boses ko ng magtanong ako dito..

Mahinang tumawa ito at matunog na nagbuga ng hangin sa bibig..

"Manahimik kanalang" iyon ang tanging naisagot nito.

"Maglakad ka" bulong nito

Napapalunok akong tumitingin o sumusulyap sa mga taong busy sa kanya kanyang mga pinagkakaabalahan..

Sumulyap si Dalia sa gawi ko at bakas sa muka nitong hindi na ito natutuwa dahil sa pagkakakunot ng noo nito at pagbusangot..

"Cute naman ng anak mo, tiyak mabenta iyan" nahinto ako sa biglang bulong ng lalake..


"Oh! Babae ang anak mo nanak!" Anyang sigaw ni nanay habang buhat buhat ang maliit na sanggol na bumubulahaw sa iyak..

Nanghihina akong nag angat ng ulo upang makita ang batang nababalutan ng dugo ang katawan

"Anong ipapangalan mo anak?" Anyang tanong ni Aling Maria

Pagod akong ngumiti at balak nasanang sabihin ang pangalan na nasa isip ko ng..

"Anistesha Brasha Saltan!" Ng pinangunahan ako ng pinsan kong si Beth

√The Person I love (La Isla Salvation#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon