"Sharla!" Masayang bati ko sa kanya, mabilis ko itong kinuha kay mama saka kinarga.
Namayat sya...
"Ate," nakangusong sabi nito kaya naman natawa ako.
"Naku! Ang baby namin nakauwi na," tukso ko, "miss mo si ate?"
Kung kanina ay nakanguso ito ngayon ay ngumiti na.
Hinawi ko ang mga nakakalat na buhok sa mukha niya saka hinalikan sa pisngi.
"Kanina ka pa ba nakauwi 'nak?" Tanong ni mama habang inaayos yung mga gamit.
"Kauuwi lang po," sagot ko habang nilalaro si Sharla.
"Asan si Carl?"
Natigilan ako sa tanong nya anong kailangan ni mama sa mokong nayon?
"Ma.." tiningnan ko sya na parang natatawa.
"Matagal-tagal na rin mula ng napunta 'yon dito, ano na bang lagay nung kababata mo? Aba'y lalong gumwapo," nakangiting sabi ni mama.
Napairap ako, gwapo? Edi wow.
Honest nga talaga si mama, joke.
"Hayaan mo na 'yon," inis kunwari na sabi ko bago ibinaba si Sharla.
"Zyline 'wag ganyan anak" banta ni mama kaya napabuntong hininga ako.
Binalingan ko si Sharla na ngayon ay yakap yung stuffed toy na bigay ko sa kanya
"Na--ay ma!" Sigaw ko.
"Oh?" Gulat na baling sakin ni mama.
"A-ah.. Wala po! Hahahaha!" Parang ewan na sabi ko.
"Aba't, nasisiraan ka ata ng bait Zyline," umiling-iling pa sya
Ngumuso ako, "nalimutan ko sasabihin ko"
Pumasok naman si Shiela.
"Ma, may bill na ng kuryente," tamad na sabi ni Shie.
"Akin na Shie, ako na titingin," inabot naman nito, pagkabukas ko ay agad nanlaki ang mga mata ko.
"Depungal! May nakiki-jumper ata sa kuryente natin eh!"
"Ano? Bakit? Patingin nga!" Kinuha ni mama yung bill, gaya ng reaksyon ko ay ganon din ang kanya.
"ang laki nito! Saan naman tayo kukuha ng ganto?! Kakalabas lang ni Sharla sa hospital pero parang ako ang papalit!"
"Mama naman!" Shiela and I said in unison.
"A-ako bahala ma" mahinang sabi ko, tinitigan ko muli ang bill, "may balance pa pala tayo kaya naging ganto kalaki"
"Pero anak," nahihiyang sabi ni mama kaya ngumiti ako sa kanya.
"Ma, ako na, gagawa ako ng paraan bago tayo maputulan okay? Sige na, 'wag nyo ng problemahin," sabi ko sa kanya para mapanatag ang kalooban ni mama.
Napagpasyahan ko muna na lumabas ng bahay para magpahangin.
"Ate.." Lumingon ako kay shiela, andito ako sa may likod ng bahay buti na lang at hindi masyadong mainit ngayon.
"May kailangan ka?" Sabi ko habang nakatitig sa medyo kumukulimlim ng langit.
"Kumusta na kaya si papa?"
Mabilis ko itong nilingon, pero gaya ko ay nakatitig din ito sa langit.
"Hmm? Siguro.. Masaya na sya, payapa na, walang problema." Tipid na sagot ko para hindi na sya magtanong pa.
BINABASA MO ANG
Her Smile
RomanceZyline really wants to fulfill her promise to her family, ayon ang maiangat sila sa kahirapan. Siya ang pinaka-inaasahan sa kanilang pamilya, ngunit hanggang saan at kailan lang aabutin ang lakas niya? A woman who wants nothing aside for her famil...