"Ma, gamot mo." mabilis kong nilapag ang gamot sa may kama, nakalabas na si mama sa hospital nung nakaraang araw pa, yung asawa nya ang nagbayad ng lahat ng bills dahil hindi na nahuli yung gagong driver na nakasagasa kay mama.
May silbi naman pala, akala ko pang-iiwan lang ang alam gawin.
Mama reach out for my hand.
"Zyline.. anak," I looked at her, I badly want to smile at her so she won't worry but I just can't.. I'm sorry ma, sorry.
"Kahit para na lang sana sa mga kapatid mo..." mahina niyang sambit pero umabot pa rin sa pandinig ko. Agad na nanikip ang dibdib ko dahil doon. "Hindi ka nila naiintindihan, anak. Hindi nila malaman kung bakit ang tigas-tigas mo sa papa mo, bumalik na siya, Zy. Binalikan na niya tayo..."
Agad na kumibot ang labi ko, "Hindi talaga nila ako maiintindihan ma kasi hindi nila naranasan ang mga naranasan ko. Bata pa sila para maintindihan ang mga bagay na nangyari noon, ma. Kaya alam ko... alam kong hindi talaga nila maiintindihan ang nararamdaman ko kasi hindi naman nila naramdaman 'yon. Ang alam lang nila iniwan sila... at kung anong sakit na nararamdaman nila ay dahil 'yon sa iniwan sila, kaya siguro mabilis at madali rin silang magpatawad kasi ayon lang naman ang dahilan ng sugat nila... pero ako?" nanghihinang tanong ko, nanlulumong nakatingin lamang sa akin si mama.
"Ma... yung sugat dito?" turo ko sa dibdib ko, "Hindi lang 'yon dahil sa iniwan niya ako... malalim ang sugat na iniwan niya sa akin, ma. Sugat na hindi ko alam kung maghihilom pa. Hindi ko mahanap sa puso ko ang kapatawaran ngayon." umiiling na sabi ko.
"Subukan mo pa rin anak..."
"I-inumin nyo po yung gamot nyo, maghahanap ako ng trabaho," yun lang ang nasabi ko, malungkot na ngumiti sakin si mama dahilan para lalong mamigat ang dibdib ko.
I'm sorry ma, ayaw ko ring nagkakaganito ako, pero ito na lang ang magagawa ko, ito na lang..para hindi ako tuluyang bumigay.
"Aalis ka na ba sa trabaho mo roon kay Carl? Sayang yun nak," marahan akong tumango kay mama alam ko namang sayang.. sayang talaga
"Hindi pwedeng m-magkasama kami sa iisang lugar ma--" she cut me off.
"Mahal mo pa rin ba sya Zy?" Hindi ako kaagad nakasagot, sasabihin ko ba sa kanya? Aamin ba ako? "Mama mo ako, nakakaramdam ako. Ngayon, magtapat ka sakin, mahal mo pa rin ba si Carl, anak?"
Napaiwas ako ng tingin, pagod na pagod na ang mga mata kong walang ibang ginawa kundi ang umiyak.
"Wala ring saysay ang pagmamahal na 'yon, kung may masasaktan akong ibang tao." tinitigan naman ako ni mama matapos marinig yon.
"Kahit kapalit non ang kaligayahan mo? Anak.. ang dami mo ng nagawa para sa pamilyang 'to, hindi masamang unahin mo naman ang sarili mo." napayuko ako.
Sana nga ganon na lang kadaling unahin ang sarili ko ng hindi iniisip ang mararamdaman ng ibang tao.
"Ma, meron pa akong Sharla, andyan ang.. ang anak ko," marahan namang pinisil ni mama ang mga palad ko.
"Alam kong nahihirapan ka na, magpahinga ka muna. Kami muna ang lalaban para sayo anak, bago ka pa tuluyang maubos." nakita ko kung panong sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa mata nya.
"M-matagal na akong naubos ma, simot na simot na," mahinang sagot ko, nasasaktan ako pero ayoko ng sabihin pa sa inyo.
"May mga b-bagay na kahit anong laban mo, kapag hindi para sayo hindi magiging sayo," patuloy ko, nakatingin sa malayo, ramdam ko ang mga titig sakin ni mama na parang naawa, heto ako ma, andito ang anak mong unti-unti ng bumibigay "mga bagay na kahit angkinin mo, kung may nagmamay-aring ibang tao, hindi mo masasabing totoong sayo."
BINABASA MO ANG
Her Smile
RomanceZyline really wants to fulfill her promise to her family, ayon ang maiangat sila sa kahirapan. Siya ang pinaka-inaasahan sa kanilang pamilya, ngunit hanggang saan at kailan lang aabutin ang lakas niya? A woman who wants nothing aside for her famil...