Chapter 16

17 2 0
                                    


"Ate, sigurado ka na ba?" Tanong ni Arman, andito kami ngayon sa sala nag uusap, samantalang si Sharla ay pinatulog ko muna.

"Sigurado na ako" ngumiti ako ng bahagya.

Hinawakan ni mama ang kamay ko, "kahit anong mangyari, andito lang kami anak, nasa likod mo kami parati."

"Susuportahan ka namin kung iyan na ang desisyon mo" sabi naman ni papa.

Napag isip isip ko na to matapos ng may mangyari samin ni Carl nung nakaraan, tama sya, I'm his to begin with, I should claim what is just mine now.

"Pero ate," sabi ni shiela, "p-paano kung magalit si kuya Carl?"

Nakagat ko ang labi ko sa tanong na yon, there's a possibility na magalit nga sya, pero kailangan naming harapin ang katotohanan, maraming beses akong nagsinungaling sa kanya.

"Malalaman natin kapag nasabi ko na." kinakabahang sagot ko.

Sa totoo lang hindi ko alam kung pano ko sisimulan sa kanya sisimulan ang pagtatapat dahil sa nagsinungaling ako sa kanya nung mga oras na tinatanong nya kung anak ba nya si Sharla.

I don't know how to face him after this, I really don't know.

Buti na lang at alam ko kung nasan ang condo unit ni Carl kaya hindi ako masyadong nahirapan, mabilis akong sumakay sa jeep at sa buong byahe ay sya lang ang nasa isip ko, how do I start?

Carl may anak tayo---carl, anak natin si sharla---carl, you're sharla's father

Urgh! Nakakainis!

Nang magsalita ang driver kung nasan na kami ay mabilis akong nagpara

"Para po!" Mabuti na lang at hindi nabigla ang driver sa pagsigaw ko dahil baka tumapon kaming nasa loob nito, mabilis akong bumaba at pumasok na sa loob pero hinarang ako ng guard.

"I'm sorry Ma'am, May unit po ba kayo rito?" Natigilan naman ako.

"A-ah, wala po, p-pupuntahan ko lang po yung kaibigan ko."

Pasensyadong ngumiti ito.

"Pasensya na po ma'am, pero naghihigpit po kami ngayon dahil sa isang investigation" magalang na tugon nito, napaamang naman ako.

"Tatawagan ko na lang po muna." umalis ako doon sa may daanan at pumwesto doon sa may gilid, wala masyadong tao dito.

Nagpabalik balik ako pero hindi nya sinasagot, ring lang ng ring!

"Zyline?" Napalingon ako sa tumawag at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko sya.

"Chloe," pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa, bahagya akong nanliit sa sarili ko dahil sa ginawa nya.

Mataray ako nitong tinitigan, mali pala ang akala ko na mabait sya nung una, nasa loob pala ang kulo ng bruha.

Maling akala!

Kung alam ko lang na ganito ang ugali nito hindi na sana ako nag dalawang isip na noon pa-- never mind.

"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko sa kanya, ngumisi naman ito.

"Of course dito ako nakatira," mataray na sagot nya.

Inosente ko syang tiningnan.

"Dito? Dito sa labas? Dito sa pwesto natin?"

Nagtagis naman ang mga panga nito at tumalim ang titig sakin.

"What are you doing here? You don't belong here, you slut." she gritted her teeth.

"As far as I know, this is a public place," sikmat ko.

"If you're here because of Carl, go away! We're back being together!" She shouted, luckily wala masyadong tao kaya hindi nakakaagaw ng atensyon.

Her Smile Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon