Chapter 13

15 1 0
                                    


Umiiyak akong nakatitig sa kanya, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Natakot ako sa naisip ko, hindi nya pwedeng malaman!

Nilingon din ni papa si Carl bago nagtanong "sino sya?" Tanong nya pero walang sumagot sa kanya.

Katahimikan ang bumalot samin.

"A-anak.. Kausapin mo muna sya" Utos ni mama, natatakot akong lumingon kay mama.

"M-ma.. H-hindi ko kaya, natatakot ako" pagpapakatotoo ko.

Ngumiti sya Sakin ng marahan, "Hindi natin habang buhay matatakasan ang katotohanan."

"M-mama,"

"Sige na anak, k-kakausapin namin ang papa mo sa loob--"

"What?" Gulat na tanong ko, umiling ako sa sinabi nya, "ma, baka nakakalimutan mo--

" anak, hindi makakabuti satin na nagtatanim tayo ng galit sa tao" pagpapaintindi nya pero parang hindi ko yon maintindihan!

"Mama iniwan tay--"

"--Zyline" nagmamakaawang pakiusap nya, "kahit para kay Shiela na lang anak, gusto nya ng ama" pakiusap ni mama.

Napaiwas ako ng tingin.

"kakausapin ko po muna si Carl," paalam ko, pero hinawakan ako ni mama sa braso.

"Sasabihin mo na ba?" Tanong nya, ngumiti ako ng pilit saka tinanggal ang pag kakakapit ng kamay nya sa braso ko bago ako naglakad papunta kay Carl.

"H-hey" mahinang bati ko, pilit pinapatatag ang sarili ngunit hindi sya nakaimik.

Lumingon ako, nakita kong tumango si mama sakin bago Sila pumasok sa loob.

"Carl," mahinang tawag ko, ramdam ko ang bawat bigat ng hinga nya.

"Anak mo sya?" Hindi makapaniwalang tanong nya. I'm now at the verge of crying.

"C-carl.. Kasi a-ano--"

"Sinong ama Zy? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi namin alam?" Hindi ako makatingin sa kanya "answer me, damn it!"

Napaigtad ako sa lakas ng sigaw nya.

"C-calm d-down--"

"How can I calm down Zy? Sa lahat ng nalaman ko--paano?! Sabihin mo, paano?!" Galit na tanong nya habang mahigpit ang hawak sa magkabilang braso ko.

Ngayon ko lang sya nakitang magalit ng ganto! Napahikbi ako ng sumigid ang kirot dahil sa higpit at diin ng pagkakahawak nya.

"N-nasasaktan ako," humihikbing nagpumiglas ako, "Carl nasasaktan sabi ako!"

Doon sya natauhan binitiwan nya ako saka napahilamos sa mukha.

"Sinong ama Zy? Sino?" Nagmamakaawang tanong nya "sinong kaibigan Zy? Is it ken? Or me? Fuck it! Sino?!"

Umiling ako ng umiling, hindi ako makapagsalita.

"H-hindi Carl.. H-hindi"

"Ayaw mo sabihin? O baka ak--"

"Hindi nga ikaw ang ama!" Sigaw ko, napaatras ako ng makita ko kung pano tumulo ang mga luha sa mata niya.

Sinasaktan ko na naman sya.

"K-kung hindi ako, sino?" Mahinang tanong nya "sinong kaibigan ang tinutukoy mo?  Si Ken ba? Sabihin mo Zy, please."

"H-hindi" umiiling na sabi ko.

"Tangina, edi sino?!"

Napapikit naman ako sa inis.

"hindi lang kayo ang mga naging kaibigan ko! Hindi lang kayo ni Ken ang lalaking kaibigan ko! Kahit tanungin mo pa si lins--" mabilis nya akong hinatak saka nilamukos ng halik!

Her Smile Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon