Chapter 20

15 1 0
                                    


"We did our best to save the child, but your daughter did not survived."

"H-hindi" umiiling na sabi ko, "anong hindi nagsurvived?! Buhay ang anak ko! Buhay si sharla!"

Mas lalo akong napahagulhol.

"I'm really very sorry, my condolences." yumuko ito saglit bago nagpaalam na aalis.

Kung hindi ako naalalayan ni carl ay baka bumagsak na ako.

"H-hindi, s-sabihin mo sakin Carl" humarap ako sa kanya, "s-sampalin mo ako, sabihin mong hindi to totoo!" Nagmamakaawang sabi ko.

"Zyy please.." umiiyak ding paki-usap nya.

"Sabihin mo! Sampalin mo ako! Saktan mo ako! Ayoko! Ayoko! Ayoko rito! U-umuwi na tayo.. u-umuwi na t-tayo." hagulhol ko, napaupo na ako sa lapag.

Nakita ko kung paano syang napasuntok sa dingding.

"I-iuwi mo na kami carl.. parang awa mo na, iuwi mo na kami ni Sharla, buhay sya diba? Buhay ang anak natin." pagmamakaawa ko.

Sa ganoong pwesto kami inabutan nila mama, pero nang malaman nila ang balita ay hindi rin sila makapaniwala.

"Ma'am dadalhin na po sa morgue ang bangkay--"

"Anong morgue?! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi patay ang anak ko!" Humahagulhol na hiyaw ko.

"Anak! Please!" Umiiyak na awat ni mama.

"Ang kulit kasi ma eh! Sinabi na ngang hindi patay ang anak ko! Hindi, hindi, hindi! Mahirap bang intindihin yon? Ha?!"

"Tumigil ka na! Parang awa mo na anak.. parang awa mo na huminahon ka!" Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko, "huminahon ka anak, l-lahat tayo nahihirapan, lahat tayo nawalan.. lahat tayo nasasaktan."

Doon ako bahagyang natauhan at dahan-dahang lumingon sa pwesto ni carl, nakasandal ang noo nito sa dingding habang tahimik na umiiyak.

Napapikit ako ng mariin saka tahimik na umiyak.

"Ipapahanda ko na kina Shiela ang mga kakailanganing gamit ha? U-umuwi na muna kayo ni Carl anak, kami ng bahala dito ng papa mo." mahinang bilin ni mama.

"Tara na Zy" kinuha ni Carl ang kamay ko at inalalayang tumayo, "uuwi na tayo, halika na" naglakad na ito paalis kaya napilitan akong sumunod.

"S-sandali" pigil ko, nakagat ko ang labi ko para pigilan ang paghagulhol, "g-gusto kong makita ang anak ko"

"Mamaya" lumapit ito at pinunasan ang pisngi ko, "magpahinga na muna tayo okay? Uuwi na tayo."

Buong byahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Habang nakatingin ako ay nakita ko ang mga batang naglalaro.

"Ate, usto ko laro"

Napabuka ang labi ko ng marinig ko ang boses ni sharla sa isip ko.

"I-itigil mo, itigil mo ang sasakyan carl!" Sigaw ko, nagulat sya sa biglaang pagsigaw ko kaya bigla rin syang napapreno, buti na lang at wala masyadong mga sasakyan.

Mabilis kong tinanggal ang seatbelt at lumabas

"Zyline! Saan ka ba pupunta? Uuwi na tayo!" Sigaw nya pero hindi ako nakinig, sa halip ay lumapit ako sa mga batang naglalaro.

"Si Sharla" bulong ko.

May humatak sa braso ko.

"Ano ba zyline?! Bumalik na tayo sa kotse!" Naiinis na sabi nya.

Umiling ako saka hinanap si sharla nandito sya, gusto nya maglaro!

"Zyline please? Pagod na rin ako, umuwi na tayo." pagmamakaawa nya.

Her Smile Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon