A gift of forgiveness
~
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago pumasok sa bahay.
They all stared at me.
"A-anak, kumain ka na ba? Halika, sabay-sabay na tayong kumain" nakangiting sabi nya.
Pursigido para lang makuha uli ang loob ko,then I remember what Linsey told me.
"he's still your father even you deny him million times"
"C-can we talk?" Mahinang tanong ko, halata namang nagulat sya, lumingon pa kay mama na tumango lang din sa huli.
"S-saan ba 'nak?" I pointed the door, he immediately nodded.
Binaba ko yung bag ko saka naunang lumabas.
Pumwesto ako doon sa may likod bahay, doon kung saan may puno at yung dati pa naming upuan na hindi na tinanggal doon, our favorite spot..
"Zyline, anak," awtomatikong nangilid ang mga luha sa mata ko sa tinawag nya sakin.
"Patawarin mo ako anak, I've been selfish, hindi ko kayo naisip na mga anak ko, I was just so lost, gusto kong mahanap ang sarili ko to the point na kailangang iwan ko kayo, alam ko mahirap anak, mahirap akong patawarin dahil sa mga hirap na pinagdaanan nyo dahil sa pag alis ko, I'm so sorry zyline, please forgive me, forgive papa." he pleaded, I look at him at immediately looked away when I saw his teary eyes.
"D-dati.." Panimula ko, ramdam ko ang lahat ng bigat sa dibdib ko, "this place, dito ako palagi nakatambay sa tuwing hinihiling ko na b-bumalik ka, I was 12-14 years old back then, s-sabi ko.. Bumalik lang ang papa ko.. M-masaya na ako." I looked up, hirap na hirap sa bawat pagbigkas ko.
"I'd been asking myself, h-hindi ba kami enough na pamilya mo para mag stay ka? S-si mama.. D-diba mahal mo sya? Kaya nga nagpakasal kayong dalawa.. a-ako? S-sabi mo, andito ka l-lagi sa tabi ko, na h-hindi ka aalis sa tabi ko." my voice cracked.
"A-anak." tawag nya, umiling ako saka muling tumingala.
"Ang bata ko pa noon noong iwan mo kami, ako, si Arman, si Shiela..at si mama, h-hindi namin alam kung saan magsisimula." memories runs back in my head, yung mga panahong hirap na hirap kami, yung mga panahong inosente kong tinitingala si mama para tanungin kung nasana sya, pero ang isasagot lang sakin ni mama.
'Anak, babalik din si papa, bigyan lang natin sya ng panahon'
"Yung mga i-iyak ni mama h-habang nasa kwarto," hirap na sabi ko, "nang makita ko gabi-gabi si mama na umiiyak dahil sayo, d-doon nagsimula mamuo yung galit ko para sayo, paano mo nagawang iwanan at hayaang umiyak si mama? Si mama na pinakasalan at pinangakuan mo sa harap ng altar?"
Lumingon ako sa kanya pero nabasag ang puso ko ng makita syang tahimik na lumuluha.
Pinigilan kong mapaiyak saka nagsalitang muli.
"Ang hirap dahil habang nag-aaral ako, tumatayo akong ama ng pamilyang iniwan mo," I spat, "p-pero k-kinailangan ko ring h-huminto, h-hindi ko kayang pagsabayin ang pag-aaral ko habang nagtatrabaho, nagbabanat ng buto at nagpapakatatay sa pamilya ko, kailangang maging m-malakas ako sa harapan nila para magkaron sila ng dahilan para l-lumaban, samantalang ako, gusto ng sumuko, p-pero hindi ko ginawa, g-ginawa ko ang lahat para mapunan ang lahat ng pagkukulang mo sa pamilya ko, lahat ginagawa ko mapasaya lang sila, habang durog na durog na ako." garalgal na sabi ko.
"S-sa mura kong edad, naranasan ko lahat ng hirap na 'yon na hindi ko naman dapat maranasan sa ganoong kamurang edad, napakabata ko pa para sa ganoong klaseng sakit." tumingin ako sa kanya para ipakitang nasasaktan ako.
BINABASA MO ANG
Her Smile
RomanceZyline really wants to fulfill her promise to her family, ayon ang maiangat sila sa kahirapan. Siya ang pinaka-inaasahan sa kanilang pamilya, ngunit hanggang saan at kailan lang aabutin ang lakas niya? A woman who wants nothing aside for her famil...