"Anak mo?"
My jaw dropped.
The hell?
Kinakabahan akong tumayo saka hinawakan sa kamay si Sharla, baka mawala na naman eh.
"Ah, h-hindi," nakangiting tanggi ko, tinitigan ni Chloe si sharla bago bumalik ang tingin sakin.
"You two looks like mag-ina," tipid ngiting ani nya, natawa naman ako sa panghuli nyang sinabi.
"Si Sharla.. Ano.. Kapatid ko," nakangiti pa ring sabi ko "b-bunso namin,"
Bahagyang umupo si Chloe para matitigan si Sharla, inosente naman syang tinitigan ng bata.
"Elo po," bahagyang hirap, ngunit kumaway pa rin sa kanya si Sharla.
"Carl.."
"Huh?" Takang tanong ko, hindi ko naintindihan yung sinabi nya "anong sabi mo?"
"Ah.. W-wala! Hahaha, I was just amazed.. Your daugh-- I mean, your sister is so pretty, just like you," napatango naman ako sa kanya.
"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"I was actually.. Meeting someone here, and it just happened that I saw you," she replied, hindi maalis ang tingin nya kay Sharla.
"Ganun ba? Nga pal--"
"Hoy Zyline!" Sabay kaming napalingon kay Linsey, "eto na yung nabili kong hotdog-- Chloe!"
Taka kong tiningnan silang dalawa ng magbeso beso sila, they know each other?
"Linsey, you're here na pala, and.. Seems like, you're close with Zyline," Chloe said.
"Ah, hehe, oo, my friend, magkakilala kayo?" Tanong ni Linsey, tumango naman ako.
"She's.. Carl's..g-girlfriend"
"The fuck girl?!" Gulat na sabi ni Linsey sabay harap kay Chloe. "Kailan pa?"
"Ita.. F-fuc--" mabilis kong tinakpan yung bibig ni Sharla para hindi na nya matuloy yung sasabihin nya.
Mabilis kong sinamaan na ng tingin si Linsey.
"Yung words mo, may bata," sermon ko "Sharla, 'wag ka makikinig sa usapan ng matatanda ah? At bad yung word na 'yon, papagalitan tayo ni mama" panenermon ko, kahit paniguradong hindi naintindihan ay tumango naman sya kaya tumayo ako.
"Una nako, I think you two need some catch up," nakangiting sabi ko, tumango naman si Linsey, "una nako, bye Linsey, Chloe,"
"Take care,"
"Ingat zyy! Babye kulit!"
Pagkadating ko sa bahay ay nagpalit nako ng cotton short.
"Arman, saan punta mo?" Tanong ko, minsan lang 'to umalis eh.
"Group project 'te, uwi rin ako aga,d" sabi nya saka ginulo ang buhok ni Sharla na sa huli ay ngumuso lang sa kanya.
"Ah sige, ingat, teka, may pera ka ba dya--"
"Okay na 'te! Tabi mo na lang pera mo, una nako!" paalam nya saka lumabas na. Tiningnan ko pa itong sinara ang pinto.
Sa murang edad ganito na nararanasan namin.. Magb-bente nako sa sunod na buwan.. May 9, April 27 na.. Malapit na rin pala.
Si Arman naman 18 na, samantalang si Shiela ay 16.
Hindi na ako humihiling tuwing birthday ko, nabigyan na ako ng magandang regalo.
"Nak! Ako na dyan" sabi ni mama, mabilis kong nilayo sa kanya yung walis tambo.
"Ako na mama, pahinga ka na," sabi ko saka tinuro yung upuan "upo ka na lang doon,"
BINABASA MO ANG
Her Smile
RomanceZyline really wants to fulfill her promise to her family, ayon ang maiangat sila sa kahirapan. Siya ang pinaka-inaasahan sa kanilang pamilya, ngunit hanggang saan at kailan lang aabutin ang lakas niya? A woman who wants nothing aside for her famil...