Chapter 19

12 2 0
                                    


Masaya kong pinagmamasdan ang anak ko habang nakikipaglaro sya kay Carl.

"Ang ganda nilang tingnan ano?"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita kong si papa 'yon, tumabi sya sakin.

Binalik ko ang tingin ko sa mag-ama ko na nasa sala.

"Kaya nga pa, masaya ako na nakikita ko silang masaya." nakangiti kong sabi.

"Sayang at hindi ko kayo nasubaybayang lumaki, malalaki na kayo ng bumalik ako." mababakasan ng lungkot ang boses nya kaya naman bahagya akong napalingon pero kaagad ko ring binalik kina carl ang tingin ko.

"Ang mahalaga nandito na po kayo, hayaan na natin ang nakaraan."

Hayaan natin na ang nakaraan na magsilbing aral para sa hinaharap.

"Yuhooo!"

"Ate tara!"

Napailing ako sa mga pinaggagawa nila.

"Masaya ka ba anak?" Nakangiting tanong ko sa anak ko, hinaplos ko naman ang buhok nya.

Inosente itong tumingin sakin bago inabot ang candy nya, napailing nalang ako saka tinanggap.

"Mmy, bigay po ddy" kulang kulang na salitang sabi nya kaya naman napatingin ako sa candy na yon, Fres. Tiningnan ko yung likod non at bahagyang natigilan sa naka indicate na words doon.

I love you!

Hinanap kaagad ng paningin ko si Carl at nakita ko syang palapit na sa amin.

"What's your reply?" Ngiting ngiting tanong nya kaya naman naningkit ang mga mata ko.

"Ginamit mo pa talaga ang anak mo sa mga kalokohan mo." sermon ko, natawa naman ito .

"Mmy, ito bigay ko" she handed me again another fres candy.

"Baby?" Patanong na basa ko sa nakasulat.

"Opo, ako baby mo diba?" Nakangiting tanong nya kaya naman pinanggigilan ko ang pisngi nya.

"Of course, baby kita,"

"Baby ka namin." pagsingit ni carl kaya naman umirap ako sa kanya, "anak oh, yung mommy mo inaaway si daddy" parang batang sumbong niya, tumingin sa akin ang anak namin.

"Mmy, bad!" Nakangusong sigaw nya

"Hindi ko sya niaaway baby, bati kami ni daddy mo," paliwanag ko, may binulong naman sa kanya si Carl kaya tumango ang anak ko

"Kiss ddy!" Nanggigigil na suhestyon nito, laglag ang pangang napatingin ako kay carl na akala mo ay nanalo sa lotto.

Nanggigigil akong ngumiti bago ko sya hinila sa buhok at hinalikan sa pisngi.

"Bati na kami baby, kita mo diba? kiniss ko na sya" tumango naman ang anak ko.

Bahagyang bumulong si carl sakin.

"Madaya ka, dapat sa lips yon eh."

Kinurot ko sya sa tagiliran dahilan para mapangiwi sya.

"Wag ka ng humirit pa, masasaktan ka talaga," gigil kong bulong.

"Mmy!daddy! Sabi!"

"Ano yon baby?" Tanong ni carl.

May inabot itong papel kaya naman kinuha ko.

"Ikaw gumawa nito?" Wala sa sariling tanong ko, tiningan naman yon ni carl at gaya ko, natigilan din sya.

"Mm!" Kinuha nito ang papel na may drawing na tatlong tao na stick, "Ako po!" Tinuro nito ang nasa gitna, "ddy" tinuro naman nya ang nasa kanan, "mmy, danda?" Turo nya sa drawing na nasa kaliwa, "family"

Her Smile Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon