Chapter 4

8.6K 378 68
                                    

Chapter 4

Ynna:
Mall?

Zenica:
Busy. School works.

Ynna:
Kailan ka pa nag-aral?

Zenica:
Ngayon.

Ynna:
C'mon. Let's meet up with Vaughn and Seve after.

Zenica:
All the more na ayaw kong pumunta.

I sighed as I stared at my conversation with Ynna. T'yak na gusto lang naman n'yang puntahan at makasama si Vaughn. Oo, gusto ko ring makita si Seve pero hindi ko pa kaya. I feel so small whenever I'm with him. I hate that he makes me feel that way.

Kasi ako, I can make him feel special. Pero sa kan'ya, pakiramdam ko ay isa lang ako sa mga option n'ya sa dagat ng mga babaeng meron s'ya.

I hate that I like Seve and that I hate him at the same time.

Pumasok na ako sa cafe sa tapat ng St. Agatha University. Dito kasi namin napagkasunduan ni Lael na gumawa ng parte ko para sa thesis. Chinat n'ya ako kanina. Nandito na s'ya, mas maaga sa oras ng usapan.

I'm a bit late. Kung si Ynna kasi ang kausap ko, sanay ako na dalawang oras ang lilipas bago s'ya tuluyang dumating. Lael is so early.

Nang makapasok na ako sa cafe, hinanap ko kaagad si Lael. He wasn't that hard to find. Bukod sa wala namang halos tao sa cafe dahil Sabado at hindi pa punuan ang oras, matangkad kasi s'ya at unique ang magandang shade ng morenong balat.

I'm not into tan guys but Lael is different. Parang nakakadagdag kasi sa appeal n'ya ang pagka-tan n'ya. 

Nakatitig si Lael sa baso ng tubig na nasa harapan n'ya kaya hindi n'ya napansin na nakapasok na pala ako sa loob ng cafe. Lumakad ako papalapit sa kan'ya at umupo agad sa upuang katapat n'ya. Pang-apatan ang table. Siguro ay gusto n'ya ng mas maluwag.

Gulat na napatingin sa akin si Lael. 

"Morning." Bati ko at inilapag ang bag sa gilid ng upuan.

"Morning." Ngisi ni Lael at tumingin sa bag ko.

"Sorry, I'm late. Hindi ako sanay na maagang pumupunta ang kausap ko. Ynna's always late, you see." Ngisi ko at inilabas na ang laptop.

Kinuha rin ni Lael ang laptop n'ya mula sa bag, bahagyang tumatawa.

"Yeah." Tango n'ya. "Lagi nga s'yang late sa klase." Aniya.

Tumango ako. 

"Hindi ako sanay gumawa ng thesis." I started because I wanted to be transparent with him. 

Baka kasi mag-expect s'ya ng magandang output at ma-disappoint lang.

"Wait." Tawa ni Lael at nagtataka ko s'yang tiningnan.

Lael smiled at me and I noticed a slight hint of crimson color on his cheeks and ears. 

"Ayaw mo bang um-order muna?" Tanong n'ya at na-realize ko na tama s'ya.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon