Chapter 14

6.8K 333 82
                                    

Hey, it's Hannah!

Always keep safe, everyone! I hope you're doing okay. God bless you. :(( 💛

--

Chapter 14

"How is it?" Lael stared at me as I took a sip from the spoon he gave me.

Tumango ako at manghang tiningnan ang niluluto. How can it taste that good? 

"Recipe ni Mama," aniya.

"It's good, Lael," I said. "Hindi mo pa nakukuha sa lagay na 'to?"

Lael stared at me and I saw his stifled grin. He shook his head. Tumango ako at manghang tiningnan ulit ang niluto n'ya. 

Spending time with them seems to have been effective to take me away from all the things that are bothering me. Seve, Ynna, and everything that I'm feeling.

I feel like I'm accepted. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang nararamdaman ko. The time I spent in their house was like yesterday: masaya at parang mabilis na lumilipas ang oras. Kaya nga nang nasa sasakyan na ulit ako ni Lael, pauwi na galing sa kanila at kasama si Caleb na may ikinukuwento tungkol sa isang kaklase namin, t'saka ko lang napagtanto kung ga'no kasaya ang oras na lumipas kasama sila.

Parang nakakahinayang na umuwi kaagad. I want to stay longer but I know that I should go home already. Gabi na at may iba't iba pa kaming kailangang gawin.

The ride to Caleb's house was full of laughter because of Caleb. Ang dami kasi n'yang ikinukuwento. Hindi ko nga alam na nangyayari pala ang mga 'yon sa klase namin. Hindi rin naman kasi ako close sa mga kaklase ko. It's been Ynna and me ever since. 

Gabi na but the street lights near Caleb's house were bright enough for us. 

"Chat kayo kapag naka-uwi na kayo," ani Caleb nang makababa na s'ya ng kotse ni Lael. Bumaba rin ako para lumipat sa front seat. 

Caleb went to the sidewalk, mukhang hihintayin muna kaming maka-alis. I sat on the front seat and looked at Caleb. He waved at us so I smiled at him. 

"Lael," ngisi ni Caleb kay Lael na nagbaba ng bintana para sa kan'ya. "Hatid mo, ah? Ingat," he chuckled.

Napangiti ako at tiningnan si Lael na tumango kay Caleb. 

When we left, tiningnan ko ulit si Lael at nakita ko ang maliit na ngiti sa mga labi n'ya. 

"Sino pa ang mga kaibigan n'yo sa room?" I asked to start a conversation.

"All the boys," Lael smiled and glanced at me. "Pero mas close ako kay Caleb."

"Bakit?" I asked.

Kumunot ang noo ni Lael at napa-isip. Then he shrugged.

"Mas magkakalapit ang mga gusto naming gawin," he glanced at me, then he smiled again before he returned his eyes on the road. 

Now that his side profile is facing me, kitang-kita ko ang magandang hubog ng ilong n'ya at ang mahahaba n'yang mga pilikmatang tumatabon sa mga mata n'ya. 

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon