This is the last chapter before
the epilogue.━━━━━━━━━━━━━
Chapter 35
"Zenica."
Agad na umangat ang tingin ko nang may tumawag sa pangalan ko. Like what I expected, it was Lael Lozoya looking straight at me with a small smile on his lips.
Uminit ang mga pisngi ko at pinulot ang ilang mga papel sa desk ko bago 'yon inabot sa kan'ya. Mga papel 'yon para sa requirements para sa graduation.
Napanguso ako nang tuluyan 'yong maabot sa kan'ya. I want to go with him.
"Here's mine," biglang singit ni Ynna, inaabot ang mga requirements n'ya.
I glared at Ynna but I returned my gaze back at Lael.
"Ipapasa mo?" I asked, my voice sounding a little bit more vibrant than usual.
Nakita ko ang ngiti ni Lael bago s'ya tumango.
"Oo. Sa faculty lang, Zen," he said. "You wanna go?"
Yes! My mind answered but I'm too shy to voice it out.
"Samahan mo 'ko?" Lael playfully asked before he chuckled.
Narinig ko ang pag-angal ni Ynna pero gumuhit naman ang ngiti sa mga labi ko. I shrugged before I stood up to go with him.
"I'll hold it," I told him after he's done collecting all the requirements.
Pumayag naman si Lael sa hiling ko at inabot sa akin ang mga papel. I immediately tried to find his papers.
Napangiti ako nang makita na ang kan'ya at nang makita ang sulat ni Lael doon. He has nice handwriting. Pinasadahan ko ng daliri ang sulat n'ya.
"Parang ang liit ng kamay mo," Lael suddenly said and I raised my gaze at him, confused.
"Huh?" I asked before I raised my left hand to look at it.
"Look," Lael said as he showed his right hand.
Pinaglapat n'ya ang kamay naming dalawa para pagkumparahin 'yon bago unti-unting pinagsiklop.
I scoffed and rolled my eyes before I looked at him. Lael laughed before he squeezed my hand and didn't let it go.
We didn't really hide that we're together... kaya naman, sa mga sumunod na mga araw ay unti-unting kumalat na kami na ngang dalawa ni Lael Lozoya.
Hindi ko alam kung ano ang tingin ng iba, but I'm sure some are upset with the news. Pero hindi ko na lang inisip ang lahat ng 'yon dahil wala naman talagang nakakakilala sa akin nang buo sa St. Agatha University maliban sa mga kaibigan ko.
Seve hasn't visited my class again at hindi pa kami nakakapag-usap ulit. Siguro ay alam n'ya na dahil alam na rin naman ni Ynna na kami na ni Lael. Ynna has a big mouth. Kapag may nababalitaan, hindi n'ya napipigilang magkuwento kina Vaughn kaya naiintindihan ko 'yon.
Ever since that night, I can't help but miss Lael even when he's already beside me. Is that even normal? Kahit na ilang sandali pa lang kaming nagkakalayo, gustong-gusto ko na agad s'yang makita.
I want to hear his voice and I want to hold his hand.
At kapag may usapan kaming dalawa na magkikita, I can't help but feel excited. I would look forward to it so much. At kapag unang beses kong makikita si Lael sa araw na 'yon parang sasabog ang puso ko sa saya at gusto kong sabihin na sa'kin s'ya... at kan'ya ako.
BINABASA MO ANG
Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)
ChickLitBad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin dahil nakatutok ang atensyon natin sa ibang bagay. Zenica Alameda has always been a sucker for Severiano "Seve" Manzanares, the playboy. She h...