#WYENTwentySixthNotice
Chapter 26
"Okay ka na, Zen?" Tanong ni Caleb, lumalapit sa amin nang makalabas na nga s'ya ng banyo.
Hindi ko naman maalis ang tingin ko kay Lael na nakatitig din sa akin. Unti-unting uminit ang mga pisngi ko bago nag-angat ng tingin kay Caleb na tuluyan nang nakalapit.
"Bakit tulala ka?" Caleb grinned. Mas lumawak ang ngiti n'ya nang makita nang mas malapit at mas maayos ang mukha ko. "Oh crap, are you that drunk? You're so flustered."
"I'm sober," I croaked.
"Ubusin mo na 'to, Zen," Lael said, talking about the half-full bottled water.
Uminit lalo ang mga pisngi ko at bumaba ang tingin ko sa bote ng tubig. Naka-squat pa rin s'ya sa harapan ko, nakatingala habang pinagmamasdan ang mukha ko. Pakiramdam ko tuloy, para akong batang kinakausap n'ya.
I nodded, afraid to lift my eyes and dare look at Lael again. Kinuha ko na ang bote ng tubig at inubos 'yon.
Lael didn't say anything and he looks like he won't talk about what happened. Kapag hindi s'ya nakatingin, sinusubukan kong hulaan kung ano ang iniisip n'ya pero mukhang normal lang naman s'ya at walang ibang reaksyon.
For Pete's sake, my heart can't even stop beating so fast! Bakit s'ya, parang normal lang?
Hindi ba s'ya magagalit? I stole a kiss from him. Or is he disappointed with me?
Naalala ko ang lambot ng mga labi ni Lael. The image is blurry in my memory but I can still remember how good his lips looked like—the lines, the softness, and his Cupid's bow. And the smell of mint in it. Napapikit ako.
Why the hell did I kiss him? Ano'ng pumasok sa isipan ko at ginawa ko 'yon?
Iniling ko ang ulo ko nang marinig ang bulong sa likod ng isipan ko. I want to do it again.
"Bukas, we'll go to Ma-cho Temple," sabi ni Caleb habang tinutuyo ang basa n'yang buhok gamit ang kulay gray n'yang towel.
Tapos na kaming lahat maligo at naka-upo na sa kan'ya kan'yang kama, handa nang matulog. Madaling araw na. T'yak na tanghali na naman kaming magigising bukas.
Dahil naka-inom na ng tubig at nakaligo, nawala na ang tama ng alak sa sistema ko at mas nakakapag-isip na nang maayos. Kung mag-isa ako sa kuwarto, I'd wear a satin terno for my sleepwear. But because I'm with them, I decided to wear a shirt and a pair of cotton shorts.
"Isa 'yon sa madalas na pinupuntahan ng mga tao," Caleb added. "The place looks nice, nakita ko sa internet."
"Anong oras?" Tanong ni Lael na naka-upo na sa side n'ya ng kama.
"Maybe 10 AM?" Nag-iisip na sabi ni Caleb.
Lael chuckled. "Kung magigising ka."
Natawa rin si Caleb at minura s'ya.
Akala ko, hindi na ako makakatulog pa dahil sa pag-iisip sa nangyari pero dahil na rin siguro sa pagod at sa nainom kanina, nakatulog din naman ako kaagad.
Paggising ko kinabukasan, masyado pang maaga para sa schedule namin ng pag-aayos at pag-alis. Malamig ang kuwarto dahil sa aircon na gumagawa rin ng ugong na bumabasag sa katahimikan ng kuwarto. Naririnig ko na ang tunog ng mga ibon sa labas at ang malabong tunog ng malakas na hampas ng alon ng dagat.
Dahan-dahan akong bumangon at lumingon sa kama nina Caleb. I was expecting to see them there pero si Caleb na lang ang nandoon at wala si Lael. Agad akong nagtaka. Nasa banyo ba s'ya?
![](https://img.wattpad.com/cover/220507227-288-k70755.jpg)
BINABASA MO ANG
Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)
Romanzi rosa / ChickLitBad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin dahil nakatutok ang atensyon natin sa ibang bagay. Zenica Alameda has always been a sucker for Severiano "Seve" Manzanares, the playboy. She h...