Chapter 22

7.2K 327 162
                                    

#WYENTwentySecondNotice

Chapter 22

Hinintay kong makababa si Lael. Nang ma-lock n'ya na ang kotse, I roamed my eyes around to find Caleb and I saw him taking pictures somewhere with his phone.

Agad na kumunot ang noo ko at napatawa dahil wala pa naman kami sa La Union, Pampanga pa lang pero panay na ang kuha n'ya ng litrato. 

Agad akong naglakad papalapit sana kay Caleb pero agad akong napahinto nang tawagin ako ni Lael.

I looked at him and the night breeze blew and messed my hair. Agad kong inipit ang mahaba at unat na buhok sa likod ng tainga ko at hinintay na makalapit si Lael na may dalang hoodie sa isang kamay.

I like how serene he looks in this view. Malamig. Mahangin. May bilang na mga sasakyang nakaparada. Gabing tahimik nang panandalian pero umiingay dahil sa mga mabibilis na sasakyan sa expressway. 

But the most beautiful part of this scenery is Lael with his thoughtful gaze. Parang panaginip. That kind of dream which is so beautiful that when you wake up, you know that it will soon fade from your memory but you want to remember it still.

"It's cold, do you want this?" Lael asked as he raised the hoodie to show it to me.

Is that his hoodie?

I'm not cold but I figured that his hoodie would be warm and cozy. Inilahad ko ang kamay ko para kunin 'yon. Lael smiled at me before he finally handed it over. Kulay itim 'yon at malaki. I immediately wore it. It's soft and warm, just like what I expected. 

Agad kaming pumunta sa kung nasaan si Caleb. Caleb immediately told me to strike some poses so I followed him. Pagkatapos ay kinuhanan n'ya kaming dalawa ni Lael ng litrato. 

At first, Lael just stood beside me as we both smiled at the camera. Pero sa mga sumunod, ako na ang umangkla sa braso n'ya habang nahihiya naman s'yang ngumiti sa picture. Eventually, he got comfortable and he laughed as Caleb continued to take shots with his phone. 

Lael took a photo of Caleb and me too pagkatapos ay nagpakuha kaming tatlo ng litrato sa malapit na guard sa parking area. Some of the pictures were goofy especially because Caleb was being so energetic. 

Caleb would drape an arm over my shoulders at tatanggalin naman ni Lael nang may pabirong inis para sa kaibigan n'ya. 

Napangiti ako sa mga kuha naming tatlo. I immediately posted some pictures on my social media accounts.

"Zen's quite famous. Baka may maghanap sa'kin sa mga pictures mo. Tell them it's Caleb Maravilla," Caleb laughed. 

Agad na pabirong itinulak ng natatawang si Lael si Caleb. Napamura naman si Caleb at umakbay kay Lael.

"Dati, ako lang ang para sa'yo, but you've replaced me, you cheater?" Caleb dramatically told Lael who pushed his face away from him.

Napangiti ako at nauna na sa kanilang dalawa sa pagpasok sa fast-food restaurant na napili naming tatlo. I volunteered na ako na ang mag-oorder but Lael kept on insisting for Caleb to do it. Sa huli, si Lael ang um-order dahil umamba na akong tatayo para um-order para sa aming tatlo. Tawang-tawa si Caleb dahil do'n.

"Wait, I'll pay for mine," I said taking some money from my wallet.

Tumango si Lael, sanay na na 'yon ang laging gusto kong mangyari kaya hindi na umaangal pa. 

Naka-upo na kaming dalawa ni Caleb habang nakatayo naman si Lael sa gilid ko, hinihintay ang orders namin.

"KKB the whole trip?" Ngisi ni Caleb na kinukuha na rin ang wallet n'ya sa likod na bulsa ng soot na jeans.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon