Chapter 8
"I'll see you tomorrow," ngiti ni Seve sa akin nang ihatid ko s'ya sa sasakyan n'ya para maka-uwi na s'ya. "I'll call when I'm already home."
I watched him as he played with his blue Mustang's key fob. Dito lang naman s'ya nagpunta pero nagbihis pa. Maybe he'd go to a bar tonight with his friends? Vaughn? Si Ynna kaya? Tumango ako.
"Ingat ka," I mumbled.
Tumango si Seve at binuksan na ang pintuan ng Mustang n'ya. Humalukipkip ako at niyakap ang mga braso. Should I ask himkung aalis pa ba s'ya? Pero bakit ko pa ba itatanong? It's not like it'd give me peace of mind. Lalo lang akong mag-iisip.
"Alright," he grinned before he rode his car and drove off.
Pinagmasdan ko ang paglabas ng kotse ni Seve sa gate namin. Nawala lang ang atensyon ko ro'n nang tumunog ang phone ko dahil sa isang tawag.
I saw that it was Ynna. Sasagutin ko na sana pero ibinaba n'ya rin agad. Kumunot ang noo ko. Ite-text ko na sana s'ya para itanong kung bakit s'ya napatawag pero nakuha ng isang text ang atensyon ko.
Kanina pa 'yon, bago pa man dumating si Seve rito. Hindi ko kasi binisita man lang ang phone ko dahil naging abala sa pag-entertain sa bisita. Seve and I didn't do much. We just ate and talked about random things.
Lael Lozoya:
I just got home. :)Kanina pa ang message. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko pa bang reply-an 'yon. Pero si Lael naman ang ka-chat ko kaya mas mabuti sigurong mag-reply na lang.
I don't have his number yet. Online parati ang mga palitan namin ng messages.
Zenica Alameda:
Sorry, late reply.
That's good. Si Caleb ba?After I sent him my reply, I clicked on his profile para tingnan 'yon pero nagulat ako nang mabilis na nabasa ni Lael ang message ko. Mabilis din s'yang nag-reply.
Lael Lozoya:
Okay lang. :)
Naka-uwi na 'yon. Hahaha.Zenica Alameda:
Naipagluto mo ba ang ate mo?Lael Lozoya:
Oo naman.
Ako pa ba? ;)Napangiti ako at napa-iling.
Zenica Alameda:
What did you cook for her?Lael Lozoya:
Adobo. Nag-crave daw s'ya, eh.Zenica Alameda:
Masarap ba?Lael Lozoya:
Gusto mong tikman?
Ipagluluto kita bukas. :)Nagulat ako sa offer n'ya. Sigurado ba s'ya?
Zenica Alameda:
'Wag na. Male-late ka.Lael Lozoya:
Gigising na lang ako nang maaga.
O gusto mong sa hapon na lang? Punta ka sa bahay? Pupunta naman bukas sa'min si Caleb.
Kung gusto mo lang. :)
BINABASA MO ANG
Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)
ChickLitBad Girls Series #2: Zenica Alameda Madalas na hindi natin napapansin ang mga bagay na nakapaligid sa atin dahil nakatutok ang atensyon natin sa ibang bagay. Zenica Alameda has always been a sucker for Severiano "Seve" Manzanares, the playboy. She h...