Chapter 33

8.3K 355 91
                                    

Chapter 33

"You're part of the cotillion?" Sabi ng make-up artist na kasalukuyang nagme-make up sa akin.

I opened my eyes and looked at him as he retouched my contour. May soot-soot s'yang bandana sa ulo at maganda ang make-up na soot.

My mom likes his service because he's really good at his job. Bata pa lang ako, s'ya na ang nag-aayos sa amin.

"Yeah," I answered as I looked at the mirror in front of me.

Simple lang ang magiging ayos ko para sa gabing 'to. Hindi naman ako naghanda nang sobra dahil hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganitong bagay.

Tiningnan ko ang soot na kulay itim na cowl neck long satin dress. Dahil simple, nagsuot ako ng mga alahas na babagay do'n. Ang buhok ko, simple lang din ang ayos at hinayaang unat at nakabagsak. Dahil simple at kakaunti ang disenyo, nagmukhang elegante ang kabuuan ng ayos ko.

Magaling din talaga ang make-up artist kaya hindi na ako nagtataka.

"Sobrang simple lang naman ng ginawa ko yet you still look so stunning!" Sabi ng make up artist at pinagmasdan pa ako nang mabuti.

He even held my chin and checked every angle of my face.

"Thanks," I smiled a little.

Kabado ako, hindi para sa event kundi para ro'n sa cotillion. Iniisip ko ang lahat ng beses na nag-practice kami at ang mga maka-ilang beses na nakasayaw ko si Lael. Ngayong gabi na ang huli.

I gulped at the realization.

Mag-isa akong dumating sa venue at mag-isa ring ipinakilala nang makapasok. I didn't mind. Hindi ko naman inaasahang may makakasama ako ngayong gabi.

I bet, Seve and his friends are with Zarin Dela Costa. Magkakalayo kami ng table dahil magkaka-iba ng strand.

Si Ynna ang hinahanap ko dahil tiyak na parehas kami ng table.

I tried calling her number and when she answered, she told me where she was and I immediately went there.

Ynna's hair is tied up in a high ponytail. Ang suot n'ya, isang puting dress na may malalim na cut sa dibdib kaya naman kitang-kita ang magandang hubog ng dibdib. Hindi ko alam kung paano s'yang napayagan na magsuot ng gan'yan. I thought there's a dress code. Masyado kasing konserbatibo ang St. Agatha University kaya isa ang mga damit ni Ynna ang sinabi sa'ming huwag sosootin.

But it's Ynna, anyway. She loves breaking the rules.

Ynna smirked when she saw me and I sat beside her.

"This is really boring the hell out of me," agad na reklamo ni Ynna nang maka-upo ako.

Nakita kong may cocktail na sa harapan n'ya at mukhang 'yon ang pinagkakaabalahan bago ako dumating.

"You're early," I said.

"I had to so I can come here with Vaughn," she said.

Napa-iling ako at inabot ang isang baso ng tubig na nandoon na sa table katapat ng inuupuan ko.

For sure, Vaughn came here early because of Zarin.

"You still like him?" I asked.

Ynna shrugged and didn't answer. Ang venue ay may theme na gold at white kaya karamihan ng dekurasyon at mga tela ay nasa gano'ng kulay.

Maganda ang venue at elegante, isabay pa ang magagandang lighting sa paligid at ang eleganteng classical music sa background.

Malabo ang boses ng mga tao at hindi masyadong maingay. Nakapagbigay 'yon ng mas eleganteng dating sa paligid.

Will You Ever Notice? (Bad Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon