My First Wake

57 2 1
                                    



Sa pagmulat ng mga mata,

Ngiti mo agad ang aking nakita,

Na agad rin nasundan ng mga luha.




May kung ano sa iyong pag-iyak,

Napagtanto ko na ikaw pala'y nagagalak.

Sandali lamang at ikaw ay may tinawag,

May lalaking lumapit at tayo'y niyakap.




Nagkagulo ang ating paligid,

Naguunahan sila sa paglapit.

Ng may ngiti sa mga labi,

Sila'y nagtungo sa ating tabi.




May mga humihiyaw,

Mga taong hindi magkamayaw.

Lahat ay masaya at sama-sama,

Tila sila'y tuwang-tuwa.




Ngunit ang lahat ng iyon ay malabo,

Tila salamin na natabunan ng abo.

Taliwas naman sa pandinig ko,

Naririnig ko at ito'y klarong klaro.




Iyong binanggit, "Ang pangalan mo ay Blessie

dahil ikaw ang biyayang bigay sa amin."

napangiti ako, 

hindi ko alam kung bakit pero maligaya akong napapikit.




~~~~~~~~~~

Hi again! kamusta naman po kayo? HAPPY HAPPY MOTHER'S DAY po ulit!!! 

umhh, magu-update na lang po ako every other day. yun lang, have a nice day guys! 


Ps. enjoy your day with your mother. wag muna pasaway hahahaha




A Mother's CareWhere stories live. Discover now