First Achievement

24 1 0
                                    







Noong grade 5 ako,

kinuwentuhan mo ako tungkol sa

kindergarten ko.






Sabi mo nagkaroon ako ng pinaka

una kong achievement.







Hindi naman ako makapaghintay na

marinig ang iyong kwento.






Ngunit ayaw mo pang simulan dahil

magluluto ka pa.







Kaya pinilit kitang magkuwento

Kaso ang sabi mo basta tulungan kita

sa pagluto at tumango naman ako.







Nagsimula na nga ang kwento.

Ang sabi mo pinatayo kaming lahat ng
teacher namin.







Sabi mo proud na proud ka sa akin

noong araw na yun.







Tinanong kita kung bakit at ang sagot mo,

Dahil tumayo ako.







Naguluhan ako doon pero bago pa ako
magkapagsalita,





"Dahil tumayo ka. Walang naglakas ng loob na tumayo noong araw na yun kundi ikaw lamang. Napakatapang mo anak dahil kahit hindi mo pa alam ang ipapagawa sa iyo ng guro ay sumunod ka parin." Iyan ang sinambit mo sa akin.






Hindi ko alam kung ano ang

achievement doon pero noong nakita

ko ang mga ningning sa iyong mga mata.




Napasabi na lang ako na, "sabi sa inyo
nay e, magaling talaga itong anak mo!"

Nagmamalaking usal ko.







Ikaw naman ay niyakap ako at

hinalikan sa noo.











~~~~~~~~~~
Hi! Grabe kamuntikan na akong hindi makapag update ngayon dahil sa bagal ng net. Buti nalang at umabot pa ako. Kamusta naman kayo? I hope that you'll read this until the end of the story. See you~

A Mother's CareWhere stories live. Discover now