Lumipas ang mga taon.
Dumating ang tamang panahon.
Hindi ka nagkulang sa paalala,
Ako ay nag-asawa.
Tila kahapon lamang nangyari,
Araw na hindi ko malilimutan.
Ito ang araw ng aking kasal,
Sa wakas ay natupad sa tagal ng pinagdasal.
Pagbukas ng pinto
Bumungad ang mga tao
Ngunit isa lang ang gusto ko
Ang makarating sa taong ipinagdasal ko.
Dahan-dahang naglalakad,
Lumapit si nanay at tatay.
Inilahad ang mga kamay,
At tinungo ako papunta sa altar.
At sa wakas ay nakarating na rin.
Sinulyapan ko ang iyong mukha,
Na parang ikaw lang ang nakikita.
May ngiti sa labi at mga mata'y nagniningning.
Sa dami ng mga pinagdaan,
Merong tuwa at iyakan.
Ngunit tayo ay nagpakatatag,
At nauwi sa sumpaan.
Mga panahong iyon,
Kailan man ay hindi ako iniwan.
Ang nagluwal at nag-aruga sa akin,
Ang aking nanay.
Napangiti ako sa mga alaala.
Ang dami na palang nangyari,
May mga masaya at may mga hindi ko mawari.
Isa lang ang aking alam,
nagkaroon ako ng pangalawang
pamilya at ako ay masaya.
~~~~~~~~~~
2 chaps na lang mga estudyante!!! Lovelots <3 <3
YOU ARE READING
A Mother's Care
PoetryHI! This is a story in a way of short poems. This contains Tagalog or English poems. Dinededicate ko po ito sa lahat ng mga nanay, sana po ay ma-appreciate niyo po. This is my first work and I hope that you'll enjoy reading it.