Naalala ko pa noon. Ako'y iyong tinuruang maglakad.
Hinayaan ang mga paang sundan ang iyong mga yapak.
Habang hawak ang likod ng aking damit,
Kinuha mo ang aking kamay sabay tinuran sa pagtawid.
Tayo'y naglalaro kasama ang tatay,
Na tuwa ay talagang taglay.
Hindi man makatakbo,
Ngunit sinubukang maglakad ng mabilis.
Hanggang sa ako'y nadapa,
Sugat sa tuhod ang aking napala.
Kita ko sa inyong mga mukha na kayo'y alalang-alala.
Habang ako ay hindi matigil sa pagluha.
Lumapit kayo sa akin at pinatahan.
Hingi ka ng hingi ng sorry noong araw na iyon.
"Shhh, sorry na. Hindi sinasadya ni nanay. Tignan mo hihipan lang yan ni nanay, mawawala na yan."
Sinserong sabi mo.
Habang si tatay ay hinagkan ako.
Hindi ko alam kung anong nangyari
ngunit nawala ang kirot sa aking tuhod.
Bumalik ako sa pangiti at tinuloy ang
naudlot na laro.
Tila may mahika na nangyari sa araw ko.
~~~~~~~~
<3 <3 <3
YOU ARE READING
A Mother's Care
PoetryHI! This is a story in a way of short poems. This contains Tagalog or English poems. Dinededicate ko po ito sa lahat ng mga nanay, sana po ay ma-appreciate niyo po. This is my first work and I hope that you'll enjoy reading it.