Graduate na ako ng highschool
Magsisimula na ng kolehiyo
Kayo ay nagtanong kung ano ang kursong kukunin ko
Sabi ko, "ako ay naguguluhan pa."
Ako'y pumasok at nag-aral
Sa unibersidad na ang pokus ay medisina
Ako ay iyong tinanong kung sigurado na ba ako dito.
Sumagot ako ng oo kahit hindi pa naman sigurado.
Lumipas ang dalawang taon at
nakayanan ko naman ang mga leksyon.
Muli mo akong tinanong kung
sigurado na ba talaga ako dito
Sumagot ako ng hindi ko rin talaga alam.
Bigla kang sumigaw
Natakot ako dahil alam kong ika'y nadismaya
Humingi ako ng tawad dahil sinayang ko ang inyong pinag-ipunan.
Subalit ikaw ay mas lalong nagalit.
"Hindi sa pera ako nanghihinayang kundi sa mga taon na iyong sinayang. Mas mahalaga sa amin ng iyong tatay na ikaw ay masaya ngunit bakit mo tiniis ang dalawang taon kung ito naman ay hindi mo gusto?"
Sinserong wika mo.
Humingi muli ako ng tawad
At nagpasalamat dahil hindi ako
pinilit sa kursong nagkamali ako sa pagpili.
~~~~~~~~~~
Malapit ng matapos. . . <3
YOU ARE READING
A Mother's Care
PoesieHI! This is a story in a way of short poems. This contains Tagalog or English poems. Dinededicate ko po ito sa lahat ng mga nanay, sana po ay ma-appreciate niyo po. This is my first work and I hope that you'll enjoy reading it.