First Snob

12 0 0
                                    









Napatawa ako sa aking naalala

Mga araw na tayo ay magka-away

Lahat ng panunuyo ko ay sablay

Dahil sa bagay na  hindi ko dapat ginawa.












Highschool life, madaming kaibigan at 'tropa'

Nagkayayaan ang grupo

Hindi ko alam kung ako ay papayagan

Kaya umuwi ako ng bahay at humingi

ng permiso sa iyo.












Unang banggit ko palang ng salitang

'nagkayayaan' ay humindi kana

Mga oras na iyon, hindi ko alam ang

mararamdaman

Kung ako ba'y matutuwa, mayayamot,
o magagalit.










Patago akong umalis ng bahay

Dahil matigas ang ulo ko, ako ay

sumuway

Tinuloy ko ang pagsama sa tropa

At kinalimutan muna ang paalala.












Nagkakasiyahan kami ng bigla kang tumawag.

Tiyak ay papauwiin na ako

Pagsagot ko sa tawag mo ay nagulat ako

Hindi ikaw ang narinig ko kun'di si tatay.













Kinakabahang nagpaalam sa tropa

Umalis sa lugar na iyon ng mabilis

Dahil sa salitang kanyang binanggit

"Umuwi kana" seryosong sambit.















Sa aking paguwi, bumungad si nanay

Ngunit may kakaiba sa kanya na

ngayon ko lang nakita.












Hindi siya ngumingiti

Doon ko lang napansin na siya pala'y
galit

Sinermonan ako ni tatay subalit hindi

ako natakot doon kun'di kay nanay na walang imik.









Hinihintay ko ang iyong pagsigaw

Ni isa wala akong narinig, kahit ano.

Isang araw na ang lumipas ngunit

ganoon parin ang palabas.

Susuyuin kita pero di ka magsasalita

Bibigyan kita ng mga paborito mo pero hindi mo papansinin

Magtatanong ako sayo pero si tatay ang sasagot.














Gano'n lamang ang sistema

Sa ika-pitong araw ay hindi ko na kinaya

Umiyak ako sa iyong harapan at lumuhod

Paulit-ulit na humihingi ng tawad.











Akala ko ay hindi mo parin ako papansinin

Noong ako'y patayo na sa pagkakaluhod

Ay bigla mo akong niyakap at pinatawad

Iyak ako ng iyak habang hinahalikan mo ang buhok ko












Pinangako ko na hinding hingi ko na uulitin iyon.

Hindi na talaga.

Dahil sa totoo lang,

Nakaka-trauma.











~~~~~~~~~~
Trulalu guys! Nakakatrauma kapag hindi ka pinansin ng nanay mo kahit di ko pa naman nararanasan. hahahaha










A Mother's CareWhere stories live. Discover now