"Say na-nay, ta-tay,"
Mga katagang iyong binaybay.
Tila tinuturuan akong magsalita.
Iyong nilapitan si tatay,
Sinabihan na ako'y kaniyang turuan.
"Say ta-tay, na-nay,"
Bigkas naman ni tatay,
Mukhang sinunod ang utos ni nanay.
"N-na--"
Napakalawak ng iyong ngiti ng marinig mo ang aking mga sinasabi.
"N-n-n--agyugyugyagya blablah"
biglang bumagsak ang iyong mga balikat
habang si tatay ay halos mahiga na sa kakatawa.
Nainis ka kaya pabiro mo siyang sinambunutan.
"N-n-na-nay"
Bigla kayong natigilan sa inyong ginagawa
nang binigkas ko ang isang salita.
Lumaki ang iyong mga mata.
Nagulat ako nang may pumatak na luha,
Gayon din sa aking ama.
"N-na-nay, t-ta-tay"
Na-nay, ta-tay.
~~~~~~~~~~~
Hi!!! mukhang maiksi nga lang ang update ngayon ah. Di bale baka mahaba-haba sa susunod. see youuuu~
YOU ARE READING
A Mother's Care
PuisiHI! This is a story in a way of short poems. This contains Tagalog or English poems. Dinededicate ko po ito sa lahat ng mga nanay, sana po ay ma-appreciate niyo po. This is my first work and I hope that you'll enjoy reading it.