First Friend

23 0 0
                                    




Gradeschool ako,

noong ako'y may nakilala.

Pangalan niya'y Marie,

Isang mahiyain ngunit mabait na babae.






Noong una,
siya'y hindi ako binigyang pansin.

Ngunit sadyang ako ay makulit.

Paglipas ng ilang araw,

Akin na rin siyang napilit.









Akala ko mahiyain siyang talaga,

Ngunit may tinatago rin palang kulit.

Madalas na kaming magkasama,

Sa lahat ng bagay magkasundo kaming dalawa.







Hapon noong ipakilala ko siya sa inyo ni tatay.

Masaya kayo dahil sa wakas ako'y

nagkaroon ng karamay.







Totoong karamay na sana panghabang-buhay;

At hindi bibitaw sa aking mga kamay.







Nagagalak mo siyang niyakag patungo
sa ating hapag-kainan.

Masaya tayong kumakain habang

nagkukuwentuhan.







Mayamaya lang, may nahulog na luha

sa iyong mga mata.

Nagtanong pa kaming dalawa kung

ano ang problema.







Ang sabi mo, "wala, sadyang ako'y natutuwa."




Nasa isip ko, bakit lagi ka na lang

naiiyak tuwing ako'y maligaya?






Pero hindi ko ipagkakaila na ang mga
luhang iyon ay may kasamang saya.

A Mother's CareWhere stories live. Discover now