Ito na ang huli,
Na sana ay maulit pang muli.
Dumating ang bagyo
Nagpakita ang bahag-hari
Dumilim ang mundo
Lumiwag si haring araw.
Madami ng nangyari
Ngunit ala-ala mo'y mananatili
Sa puso't isip
Hanggang sa mga panaginip.
Kung minsan ay may luhang papatak
Minsan ay mga ngiting nagagalak
Madaming emosyon
Na akala ko dati'y mga ilusyon.
Ang dami na ngang nangyari
Pero 'di ko inaasahan na darating na ang huli.
Ang araw na ito,
Na mga mata mo'y sarado,
Na ang mga labi mo'y 'di kumikibo,
Na ang katawan mo'y tila isang bato.
Umuulan,
Tila sumasabay sa aking kalungkutan.
Napakadaming tao,
Lahat sila'y nagsusumamo sa pagkawala mo.
Pero di ko maitatanggi na masaya rin ako
Dahil dumating na ang oras mo
Hindi ka na maghihirap sa sakit mo
Dahil kasama mo na si Lord.
Ngayon lang talaga ako naliwanagan
Na natakbo ang oras
Na lahat ng istorya ay may wakas
Na lahat ng bagay ay may hangganan.
Madami kang itinuro sa akin
At madami ang natutunan
H'wag ka magalala
Dahil hindi iyon mawawala.
"Naging masaya ako sa lahat ng mga naranasan ko kasama ka, ma.
Pero siguro hanggang dito nalang talaga.
Lagi ka naman namin dadalawin dito ni papa.
Ma, paalam na."
...
The End
YOU ARE READING
A Mother's Care
PoetryHI! This is a story in a way of short poems. This contains Tagalog or English poems. Dinededicate ko po ito sa lahat ng mga nanay, sana po ay ma-appreciate niyo po. This is my first work and I hope that you'll enjoy reading it.