Naalala ko pa
Mga araw na ako ay dalaga
Nakipag-away sa hindi ko kakilala
Sa galit ako ay nagpadala.
Pinagtanggol ko lang si Marie
Sa bagay na hindi niya magagawa
Dahil siya ang sinisisi
Pilit naming nilinis ang mga akusa.
Ngunit nauwi sa gulo ang usapan
Hindi nagtagal ay umabot sa sabunutan
Hila ng buhok dito at hila naman doon
Di maiwasan na kami ay pagtulungan.
Umuwi ako sa bahay ng may galos
Lumapit ka ng naghihikahos
Tahimik lamang akong umakyat sa kwarto
Sa takot na ako'y pagalitan mo.
Kumatok ka sa pinto.
Tinanong kung anong nangyari sa katawan ko
Pumasok ka bitbit ang panggamot at
nagtanong muli kung bakit ganto ang napang-abot.Sinabi ko ang buong pangyayari
Napapikit ako sandali.
Hinihintay ang iyong pagsigaw,
Sa halip ngiti sa labi mo ang lumitaw.
"Magaling ang ginawa mo. Minsan hindi natin alam kung sino ang tama o mali ngunit maaari nating ipaglaban ang sa tingin natin ay mapagkakatiwalaan." Ngiting iyong sambit.
Tila ikaw ay proud sa narinig.
Labi ko naman ay nanginig
Luha ay nagsiunahan sa pagbagsak sa sahig.
YOU ARE READING
A Mother's Care
PoesíaHI! This is a story in a way of short poems. This contains Tagalog or English poems. Dinededicate ko po ito sa lahat ng mga nanay, sana po ay ma-appreciate niyo po. This is my first work and I hope that you'll enjoy reading it.