Prologue

308 35 20
                                    

Autumn

Seoul, South Korea

Malaki ang ngiti 'kong pinag mamasdan ang mga puno sa gilid ko habang umaakyat sa mahabang hagdan sa parke ng Namsan. Medyo nakakapagod, ngunit napapawi nito ng hangin na sumasalubong sa'kin. Napaka sarap sa pakiramdam ng ihip ng hangin dito. Ramdam na ramdam 'ko ang katamtamang lamig at init sa katawan 'ko.

Marami rin ang mga dahong nakaka kalat sa paligid ng hagdan na iyon dahil tagsibol na nga ngayon. Pinagpatuloy 'ko lang ang pag akyat hanggang sa makarating ako sa itaas. Kitang kita ko agad ang kabuuan ng Seoul, at napaka ganda non, kay sarap pag masdan. Nag picture picture pa muna ako sa itaas nun at ng mahagip ng mata ko ang relo ko sa kanang bahagi ng kamay ko, ay nakita kong 3:45 Pm na, naisip 'kong 7pm nga pala ang flight ko pabalik ng Maynila.

Ngayon ang huling araw ko dito kaya't pupuntahan ko na ang lahat ng hindi ko pa napupuntahan simula nung mag stay ako sa Korea. Dumaan muna ako sa Gangnam para mamili ng mga pasulubong sa pamilya ko, at pag katapos nun ay dumeretso na ako sa pinaka paborito 'kong lugar, ang Nami Island. Inabot ako ng mahigit isang oras at trenta minutos sa byahe papuntang Nami. At nang makarating ako do'n, ramdam 'ko na agad ang pagkatuwa ng buong sistema 'ko. Para akong bata na idinala sa paboritong parke.

Malayo palang ay tanaw mo na ang dagsa ng tao dito, dahil autumn na ngayon, at iyon ang best season sa Nami Island. Inilabas ko na agad ang camera ko para kumuha ng litrato sa paligid. Picture doon, picture dito, hanggang sa makuhaan ko ang gitna kung saan makikita mo ang isang malaking daanan. Daanan kung saan bumabagsak ang mga tuyot na dahon ng puno sa gilid ng daan. Madami ang tao kaya't humahanap ako ng magandang anggulo...

Nang matapos akong kumuha ng mga litrato, ay naisip 'kong mag kape muna at mag meryenda. Medyo nagutom rin kasi ako dahil sa mahaba-habang biyahe. Dumeretso muna ako sa malapit na coffee shop doon sa Nami, tutal mamaya panaman ang flight ko at may tatlong oras pa 'kong natitira.


"Annyeonghaseyo, jumun-eul algo sipseubnida?" nakangiting tanong sa'kin nung babae.

*Translation: Hello, i would like to to know your order*

Sinuklian 'ko din naman siya ng matamis na ngiti, "Ah ne, eseupeuleso hanajuseyo" tugon 'ko sakanya. Nag simula na siyang mag tipa sa computer na nasa harap niya.

*Translation: Ah, yes, please give me one Espresso*

"ileum-i mwoyeyo?" tanong nung babae

*Translation: What's your name*

"kia--" natigilan ako sa sasabihin ko ng may maalala ako. "iteulog" nakangiting tugon 'ko dun sa babae, nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ito ng pag tataka.

Ngayon lang ba siya naka rinig ng pangalang itlog?


d~_~b?


"Sure ka po ba diyan ma'am? itlog po pinangalan sa'yo nung bata ka pa po?" nagulat ako sa naging sagot niya. Nakakapag tagalog naman pala siya! "Ay, nag tatagalog ka pala, sana sinabi mo man lang kanina pa." natawa naman siya at hindi na nag tanong pa. Habang iniintay ko ang kape ko, kinuha ko ang laptop ko at ipinatong yun sa lamesa saka kinuha ang memory card na nasa camera 'ko.

Habang tinitignan ko ang mga litrato na mga kinunan ko kanina, ay may napansin akong kakaiba isa sa mga litratong yun, Yung litratong kinunan ko na yun ay ang gitnang daan ng Nami island. Sa dami-daming taong nahagip ng camera ko kanina, ay may isang taong nahagip ng mata ko at pustura palang ng taong 'yun ay alam na alam ko na. Kaya't zinoom ko iyon sa taong yun at nakita 'kong siya nga 'yun!


*TING*TING*TING*


"Iteulog-shi?!" "Iteulog-shi?" tawag nung babae sa binigay 'kong pangalan. Pero kailangan ko na talagang mag madali para maabutan kung siya ba talaga yun. Inayos ko ang mga gamit ko at dali-daling nag lakad patungo sa pintuan. "i'll be back! i'll be back!!!" sigaw 'ko dun sa babaeng nasa counter nilingon naman ako nung ibang nandoon, pero 'di ko na sila pinansin at walang pasimanong lumabas ng coffee shop saka tumakbo pabalik sa Nami.


Bakit ngayon pa?! bakit ngayon ka lang?


Nang marating ko ang pwesto niya kung saan siya nahagip ng camera 'ko kanina, kaagad siyang hinanap ng mga mata ko, ngunit hindi siya matanaw ng mga 'to. Nag punta rin ako sa ibang sides kung nandoon siya, ngunit wala talaga. Nag punta ako sa ilang shops na naroon, ngunit hindi 'ko parin siya makita.


Namamalikmata lang ba 'ko kanina?


habang nililibot ko ang mata ko sa paligid ay nahagip ko ang pwesto ko kanina. Kung saan 'ko siya nakuhaan ng litrato.


NANDUN SIYA!


Sa mismong pwesto ko kanina na nasa mismong gitna talaga. Nakatayo lang siya dun pero nung mag tama ang mga mata namin ay bigla siyang... Nag lakad!


dO_Ob


Hindi 'ko man masasabi kung saan talaga siya patungo, pero ang lakad niya ay parang pantay kung saan ako nakatayo ngayon. At habang papalapit siya ng papalapit ay papabilis naman ng papabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko rin alam kung bakit, pero alam 'kong bakas sa mukha 'ko ang kaba, at sa hindi 'ko naman maintindihan, ay nakakadama rin ng saya ang sistema 'ko. Nang medyo malapit na siya ay nakikita ko ang kaunting detalye ng suot niya. Naka brown siya na coat, makikita mo ang loob ng coat dahil medyo naka bukas iyon, naka black siya na t-shirt at may black na scarf ring naka pulupot sa leeg niya, at naka maong pants siya. Naka boots rin siya na kulay black. Natatantsa ko narin ang height niya. Mas tumangkad siya, kesa noon. Siguro nasa 5'9 na ang height niya. At kahit di mo halos makita ang mukha niya dahil naka shades siya na itim, at dahil medyo malaki ang shades na iyon, at medyo sakop ang nag liliitan niyang mukha, dagdag mo pa 'yung scarf na nasa leeg niya abot hanggang baba niya, ay hindi mo talaga makikita ang mukha niya.


Maya-maya pa, Isang dipa nalang ang layo namin sa isa't isa, nag lakad parin siya, at nilagpasan lang ako na parang walang nangyari sa nakaraan namin. 




Hindi 'ko na alam kung anong dapat gawin. Gusto 'ko nalang mag pabalot sa nakaraan, kung saan maayos pa ang lahat.



Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Siya ang dahilan kung bakit may kirot parin sa puso ko

Isa rin siya sa mga dahilan kung bakit hindi parin nabibigyan ng hustisya ang kuya ko noon

pero kahit anong masasakit na dahilan pa yan..

bakit ni minsan ay hindi kita kinamuhian?

bakit ikaw parin?

ang laman ng nitong puso ko?




-Moonxx__

Lies behind those eyes (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon