Chapter 13

64 17 4
                                    

(ZYAIR'S POV)

"Ano?! g*go ka ba?!" napatayo si britany sa sobrang pag kagulat dahil do'n sa nasabi 'ko.

"Hoy 'wag mo 'kong minumura ha!" tumayo narin ako at hinarap siya.

"Nahihibang kana ba?! pa'no mo nasasabi sa harap 'ko 'yan ha?!" nag simula na siyang lumapit sakin at hinawakan na ang kuwelyo 'ko.

"B-britany... mas matanda ako sa'yo... sinasabi 'ko sayo! bitawan mo 'yang kuwelyo ko!" pigil ang sigaw 'kong pag babanta sakanya. Mabuti nalang at napigilan niya ang pag kainis sakin.

" 'Wag kang mag aalala, hindi naman natin tototohanin yon---" lumapit siya ng lumapit sakin hanggang sa marating na namin ang pader at saka do'n ako kinorner.

"H-hoy, 'wag mo sakin gawin yung ginawa mo kay Vzin!"

"Deal." walang reaksyong tugon niya.

"Mahal mo na ba talaga yung lalaking 'yon?" tanong ko habang nandidiri ang aking mukha dahil sa palaisipang nahulog siya sa mukong na 'yon.

"Eh diba mahal mo narin naman siya?" makahulugang sagot niya. Nanlaki lalo ang mga mata 'ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

"H-ha, a-anong pinag sasabi mo d'yan?!" tumawa lang siya ng pagkalakas lakas, mukha na siyang baliw sa tawa niyang 'yon. Sinamaan 'ko siya ng tingin hanggang sa matigil siya.

"Ampotcha! mahal mo narin si Vzin?!" nawala ang reaksyon sa mukha 'ko at naisip ang naisagot 'ko kanina. Potcha abamalay 'ko ba na si Vzin din pala ang tinutukoy niya!



d>_<b



"Nako ha! inaagawan mo'ko ng crush ha! sabihin mo nga sa'kin, bakla ka 'no?!" pang aasar niya. Mas lalong nag init ang buong sistema 'ko dahil sa pangaasar niyang 'yon. Hinatak 'ko ang kanang palapulsuhan niya at saka pinag palit ang p'westo namin. Siya na ngayon ang naka korner sakin. Nawawala narin ang ngisi sa mga labi niya, napalitan na ang emosyon niya na kaninang tuwang tuwa at ngayo'y kinakabahan na.

"Ano, sinong bakla?" nilaliman 'ko ang boses 'ko upang maging maangas itong pakinggan. Naningkit ang mga mata 'ko habang nakatingin ng deretsong deretso sakanya. Habang siya ay parang natutulala at napapalunok pa.

"I-ikaw--" hindi niya na naituloy ang isasagot niya ng biglang mag bukas ang pinto ng bodega.

"Hoy! anong ginagawa niyo d'yan ha?!" mapang asar na tanong ni Keziah sa'min.

"Hoy! w-wala k-kaming ginagawang m-masama a-aah!" pag papalusot ni Britany. Ngunit, kaysa sagutin siya ni Keziah, ay tinawanan lang siya nito, nang aasar.

"Oh ba't nauutal ka? kalma, kalma." tumawa ng malakas si Keziah hanggang sa lapitan na siya ni Britany upang hampasin, ngunit agad na nakaiwas si Keziah kaya't nag habulan silang dalawa na parang bata.

"Teka, teka! nag punta ako dito para samahan niyo 'ko!-- ano ba! britany!" natigilan si Britany ng marinig niyang may sasabihin si Keziah.

"Ano 'yon?" tanong 'ko.

"Oo nga, Sa'n mo naman kami isasama?"

"Sa teatone." tanging sagot niya. Mukhang pinag iisip pa kami nito kung para saan pa't sasamahan namin siya?

"Tsk! anong gagawin do'n?" naiiritang tanong ni Birtany. Natawa naman si Keziah sa iniasta ni Britany.

"Kakanta."

Lies behind those eyes (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon