(KIANNA'S POV)
"Kianna!" malayo palang ay bakas na sa mukha at tono ng boses ni Britany ang pag ka-excite niya na makita muli ako. Sinalubong niya kaagad ako ng mahigpit na yakap, 'yung tipong 'di nako makahinga sa sobrang higpit. "Huy grabe ka naman, sobrang higpit naman niyan b-bhie!" pinilit 'kong makawala sa yakap niya at nag tagumpay naman ako. "Grabe Kianna! na-miss kita! 1 week lang akong nawala!" halos maiyak na siya habang sinasabi 'yon, inilabas ko naman ang panyo mula sa bulsa ko at ibinigay sakanya 'yon. "Miss na miss mo naman ako, dinaig pa natin mag jowa!" pang-aasar ko, natawa naman siya at hinampas pa ang braso ko. "Hindi mo na ata alam kung anong araw ngayon eh." pinag-krus niya ang dalawang braso niya at inilagay sa bandang dib-dib at saka sumimangot na parang bata. "Huy, ano ka ba! para kang bata! ano bang araw ngayon--" binuksan 'ko ang screen ng cellphone ko at nakita ang petsa ngayon.
"August 7, 2017"
"Omay! sorry na Brit! nakalimutan 'kong Friendsarry pala natin today!" umaakap agad ako na parang bata sakanya, ngunit tumalikod lang siya, nakasimangot parin. "Ano ba 'yan, manlilibre pa man din ako today..." pag paparinig ko, para humarap siya, at di nga ako nabigo, nag bago agad ang mood niya, naging parang excited ulit na bata ang mukha niya ngayon. "Talaga ba! o tara na libre mo na'ko!" umalis muna kami ng oval at nag punta sa canteen para kumain. "Ay kianna, naalala mo pa ba 'yung first meet natin?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Napahinto ako sa pag-subo ng cake na kinakain 'ko at napatulala sa kung saan.
(Flashback, 1 year ago)
Ngayon ang araw ng field trip namin, at ang destinasyon ay sa isang maliblib na gubat. Medyo nag alinlangan pa 'kong sumama nung una, ngunit dahil sabi ng teacher 'ko, dagdag grade daw, kaya sumama narin ako. Kasalukuyang nag aayos ng tent ang mga kaklase 'ko ngayon, habang ako naman ay nag hahanap ng signal upang matawagan ang mommy 'ko. Lumapit muna ako sa isang kaklase 'ko na abala sa pag luluto. "Jenevie, may signal ba dito?" tanong 'ko, ngunit nag kibit balikat lang siya. Kaya't umalis muna ako panandalian sa site, hindi 'ko napansing mag gagabi na pala ng mga oras na iyon. Ng tyempuhang maka hanap ako ng signal, ay dali-dali 'kong kinontak ang number ng mommy 'ko saka tumawag.
"Hello soleil? nasa'n kana? kamusta kana diyan?! may nangyari ba sa'yo?!" dere-deretsong tanong niya, kaya't medyo inilayo 'ko pa ang telepono sa tenga 'ko dahil medyo nakakabingi sa tenga ang boses niyang iyon. "Okay lang naman po ako dito mommy, nandito na po kami sa site, nga po pala, baka hindi rin kita masyadong matawagan dahil medyo mahirap po makakuha ng signal dito." pag papaliwanag 'ko. Agad naman siyang sumangayon at nag bigay ng mga konting babala at payo saka pinutol na ang linya. Hindi 'ko napansing madilim na pala, at tanging ilaw nalang ng selpon 'ko ang siyang nag bibigay ng liwanag. Binuksan 'ko ang flashlight na nasa settings ng phone 'ko at nag simula ng maglakad. Ngunit dahil madilim na ang daan, kamalas-malasan ay hindi 'ko pa matandaan kung saan ang daan pabalik sa site.
"Shet! nasaan na ba'ko!" nag simula na'kong kabahan dahil tanging kuliglig nalang ang naririnig 'ko sa paligid 'ko ngayon. Sa sobrang malas 'ko ngayon, nalowbat pa ang phone 'ko at namatay nalang 'yon bigla. "Shet!" kumapa-kapa ako sa paligid 'ko at tanging mga puno na lang sa paligid ang nahahawakan 'ko. "Hello! may tao ba diyan?!" tanong 'ko muli, umaasang may makakarinig sa'kin. "Hello--" natigilan ako ng may bigla ako mahawakan na kung ano, natakot ako dahil naramdaman 'kong humihinga ito. Nagsimula ng kabahan ang buong sistema 'ko. "H-hello?" tanong 'ko dito, nagulat naman ako ng bigla niyang buksan ang flashlight niya at tinapat ito sa mukha niya. Natakot pa 'ko nung una dahil akala 'ko multo 'to, ngunit hindi naman pala, tao naman pala. Bigla namang nawala ang takot at kaba sa dibdib 'ko ng makita 'ko 'tong lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
Lies behind those eyes (ON GOING)
Teen FictionZyair Wren Villanueva. One of the smartest, handsome, talented, charismatic bad boy, student from FTHU. He always get in trouble until she met Kianna Soleil Estrada.Talented, famous, and smart. But when it comes to Math, she always fail. She tried h...