Chapter 4

62 24 0
                                    

(KIANNA'S POV)

Bumalik ako sa ulirat ng bigla akong tawagin ni keziah. "K-kianna?" tawag niya, habang hinahawi hawi ang kamay niya sa mukha ko. "ay hahahaha" natatawang sambit ko. Ano na namang bang iniisip ko kanina, natutulala na naman ako. "okay kalang?" tanong niya, tumango naman ako.

"Uuwi kana ba keziah?" pag iiba ko ng usapan. "Oo sana... may bibilhin ka pa ba?" tumingin pa siya sa relo niya saka tumingin sakin. "Wala naman... gusto mo ba'ng gumala tayo?" kumonot naman ang noo niya, nag tataka "Saan naman?" hindi ko na siya pinagsalita pa at basta nalang hinatak papalabas saka sumakay ng jeep.

"Wow! ang ganda naman dito!" namamanghang sabi niya habang pinagmamasdan ang parke. "Halika panik tayo dun!" turo ko pa sa upuang nasa taas nung mala bundok ng bulaklak na yun. Umakyat kami at naupo sa bakanteng upuan. "Alam mo ba dito ako madalas dalhin ng kuya ko kapag malungkot ako?" 

"Ba't ka naman malulungkot? eh nasayo na ang lahat, matalino, talented, at kung ano ano pa--" dere-deretsong sambit niya."Dati rin akong katulad mo" pag pigil ko sa sasabihin niya at natigilan naman siya. "A-anong pinag sasasabi mo?" natatawa siya at di makapaniwalang tumingin siya sakin. "Dati na rin akong na bubully ng mga kaklase ko... pero nung once na dinala ako ng kuya ko dito at kinausap niya ko... lalong tumibay ang loob ko... at simula nung may mang aaway sakin... pinag tatanggol ko na ang sarili ko... hanggang sa dumating ang time na nagiging confident at pala sali na ko sa mga contest sa school natin.. dun ako nag start sumikat at dumami ang humanga sakin.."

"Pero alam mo... tama ang kuya ko... dati akong lumpo at inaapi api lang ng kaklase ko... pero ngayon... lahat ng tao kinahahangaan nako?" di makapaniwalang sambit ko habang nakatingin sa kawalan. "pero... nung dumating naman ang oras na kinatutuwaan nako ng lahat, nawala naman ang kaisa isang taga hangga ko--- ang taga hanga ko'ng tanggap ako bago pa man dumating sakin ang lahat." agad niyang tinapik ang balikat ko ng makita niyang nangingilid na ang luha sa mga mata ko.

"Okay lang yan kianna... alam kong gusto ng kuya mong maging masaya ka. Kaya 'wag kanang malungkot, atlis bago man siya nawala, binigyan ka niya ng payo na habang buhay mo'ng dadalhin" makahulugang sambit niya. Tumingila ako sa langit at ngumit.

"Thank you kuya..."




(KEZIAH'S POV)

Hey guys! its me Keziah! kez for short hehe..


*RING*RING*RING*


Inayos ko pa muna ang mga gamit ko at inilagay yun sa bag ko. Habang nag lalakad ako papuntang canteen ay nakita ko si Zyair,  nakita kong nakatingin din siya sa'kin. Ngunit iniiwas niya ka agad ang paningin niya ng makita niya kong nakatingin sakanya, kaya nakahinga naman ako ng maluwag.


Sa'n naman kaya pupunta 'yon?


Nag tuloy naman ako sa pag pasok sa canteen at pumila naman ako para bumili ng pagkain ko. Maya-maya lang ay nakita ko si kianna at kumakaway-kaway pa sa'kin. "Kez!" masiglang tawag niya sakin. Maya-maya pa ay may sumunod naman sakanyang babae.

Lies behind those eyes (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon