(ZYAIR'S POV)
Tuesday
*Flashback*
"Nga pala, Villanueva, pumunta ka sa main building ngayon, dahil may practice tayo ng Basket, pag papaalam nalang kita sa maapektuhan na subject mo, dismiss." pa habol na habilin sakin ng teacher ko sa mapeh. "Okay, sir" pag katapos non nag tuloy tuloy nako sa pag labas hanggang sa makaramdam naman ako ng gutom kaya bumili muna ako ng makakain sa canteen.
"Woi! nandito ka pala Villanueva" napalingon naman ako nung may tumawag sakin, hays, si Patok na naman! nauurat na'ko sa pag mumukha nitong lalaking to! "Hindi mo man lang ba kami aayain ng mga bata kong kumain?" sarkastikong tanong niya sakin, wala naman akong nagawa at napabuntong hininga nalang.
*BLAAAAAG*
Padabog niyang inihampas ang kamay niya sa lamesa na siyang ikinaulat ko, pati narin ang iba don na kumakain. "Hoy, bata! wag mo kong inaattitude-an ng ganyan, alam mo naman kung pa'no ko magalit" nakangising bulong niya sakin at nag tawanan ang mga bata niya. Kahit kailan talaga 'tong mga 'to!
d-.-b
"dibale bata, babawi ako sayo mamaya! hahahaha halika na mga alagad!" ma-awtoridad niyang aya sa mga bata niyang mukhang guns. May mga guhit ang kilay at may mga piercing ang tenga. Nakakadiring pagmasdan.
Pagkatapos kong kumain ay dali dali nakong lumabas ng MTVES dahil baka pagalitan ako ni coach kapag na-late ako. Pag dating ko dun ay agad ako'ng pumunta ng oval at tinawag naman ako ni Coach.
"Oh nandito kana pala villanueva!" bati niya sakin, nginitian ko naman siya. "Bilisan mo't mag bihis kana, mag pra-practice na tayo." sinunod ko naman siya ang utos niya. Nang matapos ako mag bihis sa CR ay sa hindi inaasahan, makikita ko'ng nandun din sila patok at ang mga bata niya, nag lalakad sa hallway patungo sa kinatatayuan ko habang masasamang nakatingin saakin.
d-.-b
"Aba aba, sabi ko na nga ba't makakabawi din ako dito sa batang 'to eh?!" sabi niya pa sa mga kasama niya habang nag lalakad papalapit sakin. Ngunit blangkong reaksyon lang ang isinukli ko sakanila kaya't mas binilisan nila ang pag sugod sakin. "Mukhang may practice ng basket boss, pa'no tayo makakabawi niyan?" ngingisi ngsi pa'ng sambit nung isang bata niya. Maya maya pa ay isang dipa nalang ang layo namin sa isa't isa kaya't huminto sila ng mga bata niya.
"Hindi mo man lang ba kami pag sisilbihan ng mga bata ko ngayon ha?" sarkastikong sigaw niya sakin, pero hindi ko siya pinansin at akmang tatalikuran ko na sila ngunit hinablot niya kaagad ang braso ko, nasaktan naman ako sa ginawa niya'ng yun kaya padabog kong hinatak sakanya ang braso ko.
"Boss, kita mo yun?! nakakatakot naman yung titig niya'ng yun boss! natatakot kami!" napapaatras pang ani nung isa sa mga bata niyang may piercing sa ilong. Tinawanan naman siya ng ibang kasama niya.
"Oh! nepomoceno?! long time no see?!" sigaw sa malayo nung pamilyar na boses na yun at natinag naman kaming lahat at napatingin sa malakas na sigaw na yun. Si Coach. "L-long t-time no see c-coach" pilit na ngiting bati ni patok kay coach kaya't sinuklian naman siya ng inosenteng ngiti ni Coach.
"Ano na patrick? hindi ka na ba talaga mag lalaro ng basket?" tanong niya kay patok. Napakamot naman sa batok si patok dahil hindi niya siguro masagot si coach. "h-hindi naman coach, hehehe, busy lang talaga sa pag aaral." pag sisinungaling niya, tumawa naman si coach. Nag sinungaling pa talaga siya eh alam naman na ng lahat kung gaano siya kakalat sa buong FTHU.
BINABASA MO ANG
Lies behind those eyes (ON GOING)
Teen FictionZyair Wren Villanueva. One of the smartest, handsome, talented, charismatic bad boy, student from FTHU. He always get in trouble until she met Kianna Soleil Estrada.Talented, famous, and smart. But when it comes to Math, she always fail. She tried h...