(KIANNA'S POV)
"Kianna! let's talk to my office now!" mawtoridad na utos niya sakin. Agad naman akong nakaramdam ng panlulumo. Napatungo nalang akong nag lakad papunta sa office niya at pinaupo naman ako ng assistant niyang nasa loob din ng office. "Hindi ka ba talaga titigil kianna ha?!" galit na sigaw sakin ni tita, napatungo ako lalo. "Kung nabubuhay pa ang kuya mo! alam mo! kahit siya magagalit sa pinag gagagawa mo ngayon!"
alam kong magagalit si kuya kung alam niya mang ginagawa ko to ngayon, pero sorry kuya, ginagagawa ko'to para sa hustisya mo.
"Kilala mo ba kung sino ang sinapak mo kianna?" sarkastikong tanong sa'kin ni tita "Isa lang naman siya sa head ng stock holders ng school na to! At kahit tita mo ko at may shares din ako sa school na to! wala kang karapatan para ganunin si Mr. Mendoza! pwedeng pwede ka niyang i-kick out sa ginawa mo sakanya kianna!" Kulang nalang masampal niya 'ko ngayon sa sobrang gigil niya sa'kin. "Hindi mo man lang siya ginagalang! pati narin ang kuya mo?! hindi mo ginagalang? walang kasalanan si Mr. Mendoza sa pag kamatay ng kuya mo!"
Nagulat ako sa sinabi ni tita shaira, napatingin naman ako ng deretso sakanya habang nag sisimula ng mangilid ang luha sa mga mata ko. "Akala niyo lang yun tita! bakit ba walang naniniwala sa sinasabi ko?! mag tatanim ba naman ako ng galit sakanila kung wala akong nakita? eh sinabi ko naman sainyong may nakita akong ebidensya na si Villamor ang pumatay sa kuya ko! porket ba wala akong pinakitang ebidensya sainyong lahat hindi na kayo maniniwala? nung malaman niyang kinuha ko yung USB na yun sa drawer ng lamesa niyang yun! the next day! biglang nawala sa bag ko?!" pigil ang galit kong sabi sakanya.
"At alam mo ba tita kung anong pinaka masakit?!" nangingilid ang luhang tanong ko sakanya. "Ang pinaka masakit ay ang ka-isa isang best friend ko pa na anak niya, ay kasabwat niya!" biglang nag tuloy-tuloy ang pag tulo ng luha sa pisngi ko. "kaya't hindi talaga ako titigil hangga't hindi nila napag babayaran ang nangyari sa kuya ko! kahit pa sa murang edad 'kong to! kung hindi niyo kaya, ako kaya 'ko, alang alang sa kuya ko!" nag simulang tumahimik ang paligid, "k-kianna" nasambit nalang niya.
*FLASHBACK 3 YEAR'S AGO FRESHMAN YEAR*
Unang gising ko'ng wala na si kuya
Unang kain ko'ng wala na si kuya
Unang pasok ko ng eskwelahan'g wala na si kuya
Matamlay parin ako simula nung nalaman kong wala na talaga si kuya. Kaya't hindi talaga ako nakakakain ng maayos at hindi parin ako nakakatulog ng maayos. Nang marating ko ang school, ay agad akong sinalubong ni Claudia sa gate. "Kianna! OMG!" gulat pa niyang tawag sakin. "You look pale! Kianna! Didn't you ate breakfast before going to school?!" nag alalang tanong niya sakin, umiling naman ako. "nope, i ate" pormal na sagot ko sa kanya at bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit."Hmph"
"hey! i can't breathe! claudia!" tinapik ko ang likod niya para kumalas siya mula sa pag kakayakap sa'kin, inilayo niya naman ang katawan niya saka humarap. "Are you okay soleil?" tumango naman ako bilang pag tugon sakanya kahit na sobrang lutang ko nitong nag daang araw. "Nope you're not! what do you want?! do you want to eat?! do you want me to buy you a new verision EXO lightstick?! do you want me to buy you a ticket for their upcoming con--" tinakpan ko ang bunganga niya dahil andami ng napapatingin na estudyante sa'min sa sobrang ingay niya. "Ang OA mo!" sabay irap ko sakanya at natawa naman siya. "pero seryoso? bibilhan mo ko ng ticket sa con!--" nakangiti pang tanong ko, natigilan naman ako sasabihin ko dahil tinakpan niya rin ang bibig ko. "Okay kana nga, nakakapag ungot ka na ng ganyan eh!" singhal niya sakin at nginiwian ko naman siya.
BINABASA MO ANG
Lies behind those eyes (ON GOING)
Teen FictionZyair Wren Villanueva. One of the smartest, handsome, talented, charismatic bad boy, student from FTHU. He always get in trouble until she met Kianna Soleil Estrada.Talented, famous, and smart. But when it comes to Math, she always fail. She tried h...