(KIANNA'S POV)
(Friday/final debate)
"Oh, asan na si Zyair?" tanong ko kila Vzin ng mapansing wala na ron ang presensya ni Zyair.
"Ewan ko, bigla nalang nawala eh." napapakamot sa batok na tugon ni Vzin.
"Ang sabi ko may bibigay ako sa kanya eh! tsk" napapailing akong tumingin sa paper bag na hawak ko.
"Teka, hawakan mo 'tong paper bag, kasi baka bumalik sa pwesto natin, pag nakita mo, i-chat mo ko friends naman tayo sa fb!" patakbong palakad ko'ng hinanap si itlog kasi sayang naman kung hindi ko yon maibibigay ngayong araw, masisira. Mahigit treynta minutos ko'ng hinanap yung hatdog na yun sa buong FTHU, main building, science building, college building, mtves. Pero hindi ko parin siya mahagilap. Hanggang sa mapagod ako at bumalik ako sa Main building, munit si Keziah na lang ang naubutan ko do'n.
"Keziah! asan na si Vzin tyaka Britany?" takang tanong ko habang nililibot ang paningin ko.
"Si Vzin, meron daw silang project kaya nauna na siya, nakalimutan pa nga niyang iwanan sakin yung paper bag mo, nag mamadali kasi siya. Ta's si Britany naman, kanina pa siya wala, halos kasabay niya si Zyair umalis, hindi ko rin alam kung saan siya nag punta kasi nag mamadali din siya. Hinintay nalang kita dito para di ka mag alala." ngumiti siya sakin, hinalikan ko naman siya sa pisngi niya bilang pasasalamat. "Thank you kez, tara, kumain ka naba?"
"A-ah o-oo,," nahihiyang tugon niya. Tinignan ko ang kabuuan niya at napansin ko'ng may nabago sakanya.
"Pumapayat ka ata tapos---" hinawakan ko ang braso niya at bahagyang itiniaas iyon upang makita ko sa maliwanag.
"Woi! pumuputi ka rin ha! nako!" pang aasar ko, dagliang hinatak niya ang braso niya mula sa pag kakahawak ko, nahihiya.
"tsk, halika na nga kumain na nga tayo! libre mo ha!" nag paumunang na siyang nag lakad patungo sa gate.
Saan naman kaya nag punta si Zyair? kasama niya kaya si Britany?...
(MAKALIPAS ANG ILANG ARAW)
"Brit! ba't ang aga mo naman'g umuwi nag mamadali ka ata?" takang tanong ko habang pinag mamasdan siyang aligagang-aligagang nag aayos ng gamit niya, halos mag kanda-hulog-hulog na nga 'tong mga 'to.
"A-ah, k-kasi may p-project pa 'ko na tatapusin." nauutal na tugon niya.
"Ha? yung kay Mr. Custodio ba'yon? di ba antagal na 'non?" tanong 'ko.
"O-oo" napapahiyang sagot niya at saka tuluyang inisaayos ang mga gamit niya.
"Tulungan na kita!" inayos ko narin ang mga gamit 'ko ngunit pinigilan niya 'ko.
"W-wag na, tutulungan na'ko ni Zyair--"
"Kailan pa kayo naging close nun brit?" sumeryoso na ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko rin malaman kung bakit ganun ang naging reaksyon ko.
"H-ha, a-ah k-kase a-ano...." nag iisip ng maidadahilan si Britany ngunit alam ko na ang sagot sa mga 'yon. Baka nga nung time na nawala silang pareho, tinuruan siya nun ni Zyair.
"A-ah sige, mauna narin pala ako, naalala ko marami nga pala tayong assignment ngayon, sige, ingat brit!" nakangiting paalam ko. Tatawagin niya sana ako, ngunit nag paumuna na'kong umalis.
BINABASA MO ANG
Lies behind those eyes (ON GOING)
Teen FictionZyair Wren Villanueva. One of the smartest, handsome, talented, charismatic bad boy, student from FTHU. He always get in trouble until she met Kianna Soleil Estrada.Talented, famous, and smart. But when it comes to Math, she always fail. She tried h...