(Zyair's POV)
(Flashback)
Paalis na sana ako ng ospital nang bigla akong tawagin nung nurse. "Sir! Sandali! Sir!" natigilan naman ako. "Ah sir. Paki bigay nalang po kay Ma'am kianna 'to pag nagkita kayo." binigay niya sakin yung gamot na kahapon niya pa pinainom kay kianna. Hanggang ngayon nacu-curious parin ako dun.
"Ah, nurse. Para saan po ba 'tong iniinom niya na 'to?" she scratched her head before saying a thing. Did kianna told the nurse to not tell what really happened to her?
"Ah... Kasi... May amoebiasis si Kianna. Matagal niya na yung sakit ever since bata pa siya. Nagtri-trigger lang yun kapag may nakain siyang madumi." napaisip tuloy ako kung ano bang last na kinain niya. 'Yung chocolates na binigay ni Vzin?!
"Sir, pakibigay nalang yan if ever na magkita kayo. Baka kasi umataki na naman yung sakit niya." nasaan na ba kasi si Kiannna?! Baka bigla na naman siya atakihin ng sakit niya, tapos hindi siya makainom ng gamot niya, hindi pamandin siya totally magaling.
(End of flashback)
After seeing the myday of kianna. I clenched my fists. Tumakbo ako papuntang college building. I blamed myself, kasi akala ko ako ang may kasalanan ng lahat. Lagot ka sa'kin Vzin! Mukha siyang walang prinoproblema nung nakaraan, samantalang, siya pala talaga ang may kasalanan?!
Pinuntahan ko si Vzin sa room nila. Kahit na may teacher na nag le-lecture, hindi ko yun pinansin. Hinanap ko yung upuan ni Vzin. Nang makita ko siya, kumulo talaga yung dugo ko sakanya, pwede ko na ngang masapak kung sino man ang pumigil sa'kin ngayon eh!
Nung makita niya ko, ngumiti pa siya. Akala niya ata okay kami eh. Pero hinawakan ko ang kwelyo niya hanggang sa mapatayo siya, saka ko siya sinapak.
"Vzin! Zyair!" kahit alam 'kong si Britany 'yon, hindi ako nag patinag. Nilapitan niya si Vzin at tinulungang tumayo. "Anong problema mo ha!" maangas na tanong ni Vzin. "Alam mo ba kung bakit nag trigger yung sakit ni Kianna?! Dahil sa binigay mo!" kahit siya ay nagulat din. Hindi talaga siguro pinapasabi ni kianna ang sakit niya. That brat!
"Anong nangyayari dito?! Villanueva! Hindi ba't Senior high ka?! Bakit naparito ka sa College building?!" na-tigil kaming lahat ng biglang sumigaw 'yung teacher nila Vzin. Pinalabas niya kami para hindi kami makaabala sa klase niya.
"Binigay ko 'yun kay Kianna dahil may nag bigay lang din sa'kin non." natutulala si Vzin habang sinasabi niya 'yon. Sino naman kayang mokong ang nag pabigay no'n? Bwisit na 'yan!
"Eh sino?!" galit na sigaw ko. Nag sisimula ng manginig ang buong kalamnan ko, at parang gusto 'ko ulit siyang sapakin. Bwisit!
"Senior high den. Nung makita ko kayo ni Kianna. May isang senior high na lumapit sakin nung panahong 'yon. Bigla niya nalang sakin binigay yung chocolates. Eh sakto, alam ko nag myday si Kianna na gusto niya ng chocolates, kaya.... binigay ko sakanya yon." Hayst! kaya ko nga kasi binigay kay kianna yung chocolates kasi alam ko gusto niya nga eh, naniwala naman kasi siya na may nag bigay lang sakin non, ayan nag kasakit tuloy siya do'n sa binigay ni Vzin.
"Ikaw na ang bahalang trumabaho diyan sa nag bigay sayo niyan. Kailangan 'kong hanapin si Kianna." kumunot ang noo niya, hindi siguro talaga nag paalam si Kianna sa'ming lahat. "Umalis si kianna. Basta ako na bahala sakanya. Ikaw na bahala diyan sa pinsan ko..." hindi ko na siya inintay na magreklamo pa, dahil baka masapak ko na talaga siya.
Nang makalabas ako ng school, hindi naman ako napansin nung guard dahil naka civilian ako. Tumakbo ako pabalik ng bahay at nag impake ng gamit. Hinanap ko agad yung passport ko saka binuksan ang alkansya ko. "Patawad, kailangan na kitang buksan." bulong ko. Kinuha ko 'yung cutter na nasa loob ng drawer ko saka ko hiniwa yung ilalim na parte ng alkansya ko.
BINABASA MO ANG
Lies behind those eyes (ON GOING)
Teen FictionZyair Wren Villanueva. One of the smartest, handsome, talented, charismatic bad boy, student from FTHU. He always get in trouble until she met Kianna Soleil Estrada.Talented, famous, and smart. But when it comes to Math, she always fail. She tried h...