Chapter 1

3.5K 100 3
                                    

Gabb's POV

Nagising ako dahil sa alarm na iyon.

"Ma'am Gabb, gising na po," sabi naman ni Manang Marites.

"Ma'am Gabb, gusto niyo pong yung kapatid niyo nalang po ang gum---" agad ko naman itong pinuna

"Tss, ito na ito! Tatayo na," sagot ko.

Agad akong tumayo at pumunta sa CR. Nag-toothbrush at naligo ako. Sinuot ko ang aking uniporme at bumaba.

"Oh, nandiyan ka na pala," sabi ni Cole.

Mahirap man ipaliwanag, oo, kapatid ko si Cole.

Agad akong umupo sa harap niya at kumain ng umagahan.

"So, ano? Sasabay ka ba sa akin? Or... Hindi?" tanong ni Cole.

"May kotse naman ako, so bakit pa ako sasabay sa iyo?"

"Tss, nagtatanong lang naman eh. Bahala ka nga dyan!" sagot ni Cole.

Agad siyang lumabas at umalis papuntang school. Nang matapos akong kumain, kinuha ko ang bag ko sa kwarto pati na rin ang susi ng kotse ko. Agad akong bumaba at lumabas.

Papasok na sana ako ng kotse nang biglang lumapit sa akin ang isang lalaki.

"What?"

"Ma'am, gusto po kasi ng dad niyo na samahan kita," sabi nito.

"Sabihin mo sa dad ko na hindi na ako bata! Kaya ko na ang sarili ko!"

Agad akong sumakay sa kotse at pinaharurot ito.

Coleen's POV

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa school namin nang bigla akong nagulat sa mabilis na pagharurot ng sasakyan. Sa minalas-malas kong pagkakataon, dumaan ang sasakyan sa putikan at natalsikan ako ng putik.

"SHIT! NAKAKABUSET ANG AGA-AGA TAPOS GANITO!"

Akala ko hihinto ang sasakyan, pero patuloy pa rin itong umandar. Hindi ko na napigilan ang galit ko at sumigaw kahit hindi naman ako maririnig.

"HUYYYY BUMALIK KA DITO!"

"TANGINA, YUNG UNIPORME KO!!"

"TANGINA KA! BUSET!"

"Madumihan din sana yang damit mo!"

Kumuha nalang ako ng tissue sa bag ko at pinunasan ito. Hindi ako pwedeng umuwi dahil malalate ako, kaya agad akong naglakad papunta sa univ.

Sa hindi inaasahan, may lumapit sa akin na mga kababaihan.

"Besh, may nawawala oh."

"Sino bayang basura na 'yan?"

"Abugh, grabe!"

"Sissy, baka 'yan yung bagong janitress dito. HAHAHA!"

"Uhm, excuse me lang ah! Hindi po ako naliligaw! At hindi po ako pumunta rito para maglinis! Nandito po ako para mag-aral."

"Wow, sissy! Kailan pa nag-salita yung basura?"

"Tanungin mo sarili mo, mukha ka namang basura eh!"

"Abugh, pist-" Sasampalin na sana ako nitong babaeng 'to ng may biglang humawak sa kamay niya.

"Oh my God, si Cole!" sabi naman ng isa.

"Hinawakan ni Cole ang kamay ni Xandra, oh my God!"

"Alis!" Agad namang binitawan ni girl yung kamay ng umaaway sa akin.

"Okay ka lang? Bakit ang dumi mo?" sabi naman ng girl na ito.

"Shit, hindi ako makapag-salita! Anteh, ang ganda niya, shocks! Nababakla ako, wait!! HAHAHA!"

I Was Finding a Reason to Exist, Then You Came.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon