Gabb's POV
So nandito na kami ni Cole sa bar namin, walang tao ngayon dahil sinabi ko sa kanila na huwag na munang magpasok. Kami lang ni Cole ang magkasama dahil 'di daw kasi pwede ngayon si Laney; may lakad siya, tsk. Iba naman ata ang inaasikaso nun.
"Pupunta ba sila?" tanong ni Cole.
"Hindi ko alam, basta hintayin na lang natin," sagot ko.
"Inom na muna tayo," sabi ni Cole at kinuha yung isang alak dito.
"Pass na muna ako, kakainom ko palang kahapon."
"At kailan ka pa tumanggi sa alak?" tanong ni Cole.
"Ah basta, ayoko na muna."
"Oh edi wag," sagot ni Cole at nilagok ang isang bote. "Amputek, ang laki-laki niyan, tapos lalagukin lang bahala siya mag-drive siya mag-isa, haha."
Ilang minuto pa kami naghintay dito hanggang sa...
"Uy Cole, nandiyan na sila," tawag ko dito kaya kaagad siyang tumayo at lumapit kay ate Abby kahit na pa-gewang-gewang.
Agad namang kinausap ni Cole si Singkit kaya lumapit na muna sakin sila ate Abby.
"So ganito na nga at... I mean Abelaine," sabi ko.
"You can call me ate," seryoso nitong sabi sakin. Ayaw kasi niyang tinatawag ko siyang ate noon, hayst ewan ko ba.
"So ganito na nga, ate s----"
"Payag na ako," sabi ni ate Abby at kumuha ng isang boteng alak na maliit at ininom.
"Sinabi na sayo ni Singkit? Haha," pabiro ko dito.
"My pangalan siya Gabb," sabi ni ate Abby.
"I-I mean Coleen,"
"Sinabi na saakin kanina," sabi nito at ininom yung natitirang alak sa bote.
"Abelaine, mag-dri-drive ka pa. Remember?" tanong ni ate Sela.
"Isa lang naman ah," paliwanag ni ate Abby.
"Ahh ganun? Gabb, penge ako sujo," sabi ni ate Sela at kumuha sa malaking ref.
"Sige lang," hindi ko itatanggi na naging kaibigan ko sila dati, pero dahil sa katangahan ko, naputol yung pagkakaibigan namin.
Nagtataka nga ako dito kay ate Abby, eh hindi man lang nakwento sakin tungkol dyan sa pinsan niyang Singkit.
"Tara shot," sabi ni ate Abby at binigay yung maliit na baso na may alak.
Agad ko naman itong ininom at tumingin kay Singkit. My kagandahan naman siya kaso parang... hayst, parang... ARGH! BASTA.
"Pag natunaw 'yan, u-upakan talaga kita," pabirong sabi ni ate Abby.
"Bakit hindi mo nga pala 'yan nakwentong sakin?"
"Tungkol kay... Coleen?" tanong ni ate Abby pagkatapos niyang inumin ang kanyang iniinom
"Oo."
"Hindi ka naman kasi nagtanong eh," sagot ni ate Abby.
"Huy Gabb, galing mo umarte kanina, ah! Hahaha, 'Barilin mo na ako!'" pagpapatawa ni ate Sela.
"Hindi acting yun! Haha! Ayoko na talagang mabuhay sa mundo!" sagot ko kaya nabatukan ako ni ate Sela.
"Nag-break lang si Ella, ganyan ka na!?" tanong ni ate Abby.
"Hindi naman talaga dahil sa kanya," sagot ko at kumuha din ng sujo sa ref at ininom.
BINABASA MO ANG
I Was Finding a Reason to Exist, Then You Came.
FanfictionMagbabago ako para sa'yo. Babagohin ko ang lahat para sa'yo. Ikaw pa rin ang pipiliin ko hanggang sa dulo.