Coleen's POVIlang minuto lang ang nakalipas ng matapos kami kumain.
“Oh, ano? Uwi na tayo?” tanong ni Ate Abby.
“Gala na muna tayo!” sagot ni Ate Sela.
“Oo nga! Gala na muna tayo!” pag-sangayon naman ni Ate Brei.
“Oh, gagala daw, Coco. Sama ka?” tanong ni Ate Abby.
“Di po ako nakapagpaalam kay Daddy eh.”
“Ah, ganun ba? Oh sige, sabay ka na sa akin. Hatid na muna kita sa bahay niyo para hindi ka mahirapan umuwi,” sabi ni Ate Abby.
“Hmm, Ate, kahit hindi na. Uhm... mamaya pa po ako uuwi, maglilibot-likot na muna ako dito.”
“Huh? Ehh, paano ka uuwi niyan mamaya? Wala ka yatang dalang kotse,” tanong ni Ate Abby.
“Ehh, malaki na ako, Ate! Kaya ko na mag-isa!”
"Bakit ba kasi hindi mo dinala yung kotse mo!? Wag mong sabihin wala kang kotse ah! Mababatukan kita! Alam kong marami kang kotse!” sabi ni Ate Abby.
“Ehh, kasi gusto ko maglakad eh! Bat ba!?”
“Pag hindi mo pa talaga dinala yung kotse mo bukas, talagang malilintikan ka sa akin! Atsaka yang mga sinusuot mo, ahh! Hindi bagay sa iyo, Coleen, jusme!” sagot ni Ate.
“Opo, opo! Hayst.”
“Oh, sige na sige! Mauna na kami,” sabi ni Ate Abby sabay beso sa akin.
“Bye mga Ate!”
Umalis na sila kaagad at ganun din ako. Gusto ko munang libutin yung unibersidad na ito kahit kalahati lang, kailangan kong malaman ang pasikot-sikot dito.
Nasa hallway na ako ngayon, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Masyado pang maaga, kaya pwede pa ako dito hanggang mamaya. Kahit na maaga pa, ayaw na masyadong tao dito. Halatang nag-uuwian na ang iba at ang iba naman ay naggagala na.
Umakyat na muna ako at tinignan isa-isa ang mga classroom.
“Hmmm, mukhang ito yung classroom ko ahh,” bulong ko.
“ANO NANAMAN BA YAN, GABRIELLE! NAHIHIBANG KANA BA?! GUSTO MO NA BA TALAGANG MAGPAKAMATAY!?” Narinig kong sumisigaw sa itaas kaya nagulat ako.
“As if naman diba? Meron pang may pakialam sa akin, HAHAHA.”
Nakarinig naman ako ng pagsara ng pinto sa taas. Hmmm, wala namang magagalit diba? Hehe.
Agad naman akong umakyat sa pinaka taas. Kahit na nasa pinaka taas sila, maririnig ko yun dahil nga wala nang mga tao dito at isa pa nagkakasigawan sila.
Nasa 5th floor na ako ngayon at may isang pintuan lang dito. Hmmm, nandito yata sila, bulong ko.
Agad kong idinikit ang aking tenga sa pintuan upang marinig ang kanilang pinag-uusapan. Hindi na ako chismosa, pero parang ganun na nga, hehe.
“So, ano na ang gagawin mo ngayon? Bumalik na siya at dito na din siya mag-aaral. Ano na ang gagawin mo?” tanong ng isang boses.
“Wala, HAHAHA.”
“Eh, diba nakikipagbalikan siya?” tanong ulit.
“Eh, ano naman ngayon kung nakikipagbalikan siya? Edi balikan mo na! Para hindi ka na nagkakaganyan.”
“Nabagok na ba yang ulo mo? Hindi mo na ba naalala yung mga pinagagawa niya sa akin? Ginawa niya lang akong tanga! Hindi ko na hahayaang maulit pa yun!”
BINABASA MO ANG
I Was Finding a Reason to Exist, Then You Came.
FanfictionMagbabago ako para sa'yo. Babagohin ko ang lahat para sa'yo. Ikaw pa rin ang pipiliin ko hanggang sa dulo.