Coleen's POV
"Huy, wag ka nga kasi malikot!" sabi ko kay Gabb.
Nandito kasi kami sa kwarto ko. Gusto ko na sanang matulog, pero tong Gabb na to gusto daw maglaro. Ampota, bad girl, para lang itong isip-bata. Sipain ko to, eh. Char! Lab ko to, di ko 'to sasaktan. Dzuh!
"Laro nga kasi tayo!" sabi ni Gabb.
"Gusto ko matulog, Gabb. Wag kang epal dyan."
"Ehh!" sagot niya.
"Dun ka nga kela ate Abby makipaglaro! Para kang... ano dyan eh!"
"Ikaw kasi, inaaya ko. Hindi sila, kaya wag mong pinapasa sa iba!" sabi ni Gabb.
Di lang ako umimik at sinubukan ng matulog, pero biglang:
"Huyyyy, Coco!" sabi nito at bigla akong niyakap.
"Ano nga kasi?!"
"Laro nga kasi tayo!" sagot niya muli.
"Inaantok akooo!" sabi ko at tinakpan ang mukha ko ng unan.
"Baka nakakalimutan mo na ako yung pumigil sa dad mo na sampalin ka!" sabi ni Gabb.
"Para lang don? Kailangan talaga may kapalit? Sana di mo nalang pinigilan. Total, sanay naman ako sa sampal niya, tss!"
"What?!" sagot nito, kinuha ang unan mula sa mukha ko. "Sinasampal ka ng dad mo?!"
"Yep."
"Bakit naman?" tanong ni Gabb.
"I don't know."
"Meron ba nun? Sinasampal ka ng walang dahilan?!" tanong niya.
"Tss, pasaway kasi ako kaya ganun."
"Luh, isip-bata ba tatay mo? Pang-batang rason lang yan, eh! Dapat pinag-sasabihan ka nalang, hindi kaagad sinasampal."
"Sumosobra na daw kasi ako, eh."
"Kahit na!" sabi niya.
Tinignan ko siya at kinunotan ng noo.
"Bakit, ikaw ba, hindi ka sinasampal ng dad or mom mo?"
"U-uhm, sinasampal naman pe—" simula na niyang sagot.
"Ohh, yun naman pala, eh."
"Pataposin mo nga kasi ako!" sabi ni Gabb.
"Pero... Sinasampal lang naman nila ako kapag nagiging bastos na ako sa kanila."
"What do you mean?"
"Pag sumasagot na ako or... nawawalan na ako ng respeto sa kanila, ganun," sagot ni Gabb.
"Same lang naman tayo. Pinapahaba mo lang, eh."
"Tss, magkaiba yun!" sagot niya.
"Edi magkaiba."
"Huy, laro na nga kasi tayo!" pangungulit niya.
"Yoko nga kasi."
"Ahh! Ayaw mo ah!" Bigla naman akong kinagat, pero hindi ako nasaktan dahil sanay na ako.
"Huy!" tawag ko.
"Ano?"
"Sa tingin mo, hindi masakit?" tanong ni Gabb.
"Hindi. Bakit?"
"A-ah, wala..." sagot niya.
"Gabb, umuwi ka na kaya. Hapon na nga, oh. Baka hinahanap ka na ng dad mo or mom mo."
"Nagpaalam ako, so okay lang yan!" sagot ni Gabb.
"Laro nga kasi tayo! Sige na, ili-libre kita ng ice cream," pakiusap niya.
BINABASA MO ANG
I Was Finding a Reason to Exist, Then You Came.
FanfictionMagbabago ako para sa'yo. Babagohin ko ang lahat para sa'yo. Ikaw pa rin ang pipiliin ko hanggang sa dulo.