Chapter 5

1.1K 78 3
                                    

Fast Forward
1 Month Later

Coleen's POV

Nandito pa rin ako sa classroom ko. Hindi na muna ako umuwi dahil medyo tinatamad pa akong tumayo. Inayos ko na muna ang gamit ko at makalipas ang ilang minuto, tumayo na ako.

Hindi na ako magtatagal, baka kasi pagtripan na naman ako nila Martin. Ghad! Naisip ko naman bigla si Gabb. Asan kaya yun? Sabi ko habang nililibot-libot ang tingin.

5:30 PM na din, baka umuwi na yun. Papunta na ako ngayon sa rooftop. Napatigil naman ako ng paglalakad nang makarinig ako ng mala-anghel na boses.

"Meron pa kayang tulad mo, na merong mga matang katulad sa'yo. Sa bawat tingin tila ba nagsasabing mananatili hanggang sa huli..."

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip ito. At hindi nga ako nagkamali, siya nga.

"Meron pa kayang tulad mo, na merong mga kamay na tulad sa'yo. Sa tuwing hawak na'y 'di na nangangamba. Kailanman'y hindi na mag-iisa..."

Ang ganda niyang pagmasdan. Nakaupo lang siya at nakapikit habang kumakanta. Kung hindi lang dahil sa deal nila Cole, matagal na akong umamin dito kay Gabb.

Alam kong mali na magustuhan ko siya pero ano magagawa ko? Ang perfect niya para sa akin, arghhh! Pag nalaman talaga ni Ate Abby na gusto ko si Gabb, jusko patay ako doon.

"Pwede ko ba malaman, sa'n ba matatagpuan..." Dahan-dahan naman itong inimulat ang kanyang mga mata at tumingala sa kalangitan.

"Meron pa bang isa pang ikaw? Sa'n hahanapin, sabihin sa akin. Kung meron pa bang isa pang ikaw, ngayon na wala ka na, nagtatanong ang puso. Meron kaya? Meron pa bang tulad mo?"

Nagulat naman ako ng bigla itong umiyak. Agad ko namang isinara ang pinto at kunwareng kararating palang.

Agad naman niya akong napansin kaya agad niyang inayos ang kanyang sarili.

"C-Coleen, bat napunta ka? May kailangan ka ba? Hinahanap mo ba si Cole?" sunod-sunod nitong tanong sa akin.

"Napadaan lang talaga ako dito, kala ko kasi wala ng tao dito."

"Ah, ganun ba? Oh sige, mauna na ako." Tatayo na sana ito pero pinigilan ko.

"Oh, bakit?" tanong ni Gabb.

"IIwan mo ko?"

"Yes, bakit?" tanong ni Gabb.

"Paano kung pagtripan ako nila Martin ulit?"

"Tss, kukunin ko lang bag ko sa room."

"Sama ako," pagpapacute ko.

"Dito ka lang---"

"Sige na, libre kita mamaya ng unicornetto."

"Sabi ko nga," sabi nito at hinawakan ang kamay ko. Wow ha, hindi ako kinikilig ha, slight lang.

Agad naman kaming bumaba at pumunta na sa classroom niya.

"Oh ano, uwi na tayo? O sa rooftop na muna tayo? Kung gusto mo, tayo na lang." Putang ina, si Gabb oh.

Sanay na ako sa mga banat niya pero kahit minsan, paulit-ulit yung banat niya, kinikilig pa rin ako.

"Oh, bat di ka makapag-salita diyan? Kinikilig ka, ampota," sabi nito at maglalakad na sana uli nang makararinig kami ng tawanan.

"HAHAHAHAHA Akala naman nila hindi halata na nagpapanggap lang sila," rinig na rinig ito dahil nga wala ng masyadong tao sa univ.

"Sakin pa rin ang bagsak ni Gabb, tss."

I Was Finding a Reason to Exist, Then You Came.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon