Coleen's POV
"Ohh sige, uwi na ako. Bukas na lang, Coleen. Bye!" Uuwi na kasi ngayon si Gabb.
"Bye!" Nagpaalam na kaming lahat sa kanya.
Sumakay na kaagad si Gabb sa kotse niya at pinaandar ito.
Pumasok kaming lahat sa loob.
"So ano, sasabay ka na sa amin bukas?" tanong ni Ate Abby nang makapasok kami.
"May kotse naman ako, di ba?"
"Ahh, ganun ba? Okay, nagtatanong lang naman. Oh, sige, tulog na ako." Kaagad namang umakyat si Ate Abby sa taas, kaya naiwan kami ni Ate Sela dito sa baba.
"Anong nangyari dun? Ehh, 6:46 PM palang ah, ang aga pa kaya." sabi ni Ate Sela.
"Baka maraming ginawa kanina, Ate?"
"Wala namang ibang ginawa yan kundi magsulat at tumingin-tingin sa cellphone. Ahh, anong nakakapagod dun?" Ate Sela chuckled.
"Wala bang pinapagawa ang teacher niyo? Mga project, ganyan?"
"Uhm, meron naman, pero sobrang dali lang naman yun para sa kanya. Ang talino niya, kaya niyan," sagot ni Ate Sela.
"Mayaman din naman yan, so di na mahirap sa kanya yun."
"Kahit naman yata matalino, napapagod din naman, di ba?"
"Aish, ang weird talaga ni Abelaine. Nung umaga, ang sungit-sungit tas palaging galit, tas ngayon parang ewan," Ate Sela pointed out.
"Mood swing, wow ha! HAHHAH."
"Bakeman, meron ngayon."
"Baka nga," Ate Sela agreed.
"Ahh... Coleen, dahil tayo lang naman yung nandito, pwede bang magtapat ka sa akin?" Ate Sela proposed.
"Ano po bang ipagtatapat ko? Madre ka na ba ngayon, Ate Sela? HAHHAHA. Grabe ka naman kung makapag-tapat."
"Coleen, gusto mo si Gabb?" Ate Sela asked.
"Huh!? Si Gabb!?"
"Boomerang??" Ate Sela teased.
"Coleen, umamin ka na! Pinapahirapan mo lang ang sarili mo sa pagdedeny, eh." Ate Sela was serious.
"Eh, hindi ko nga siya gusto!"
"Eh bakit sa tuwing nakikita kita, palagi kang nakatitig kay Gabb? Minsan nga nahuhuli kitang nakangiti. Iba ang kilos mo tuwing nandiyan siya. Yung masungit at napaka-arteng babae, nagiging mabait na bigla! Explain that, Coleen! Akala mo ba hindi ko nahahalata?" Ate Sela pressed.
"Grabe ka, ang arte mo! Wow ha! HAHHAHA."
"Seryoso ako, Coleen."
"Kasalanan ko bang iba ang atake sa akin ni Gabb? Mismo ang sarili ko, Ate, hindi ko maintindihan! Nagbabago ako pag nandiyan siya! Paano ko sasagutin ang tanong mo kung ako nga mismo hindi ko masagot!"
"Just admit it, Coleen. You're in love with her!" Ate Sela accused.
"I don't know!"
"Come on! Wag mo nang pahinain ang loob mo." Ate Sela encouraged.
"Okay fine! I admit it! I'M. IN LOVE. WITH HER." Sigaw ko sa kanya.
Akala ko magagalit siya, pero bigla itong ngumiti at niyakap ako.
"I'm so proud of you! Oh my God," Ate Sela exclaimed.
"Huh??"
"Nakaamin ka na din sa wakas," sabi nito at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
BINABASA MO ANG
I Was Finding a Reason to Exist, Then You Came.
FanfictionMagbabago ako para sa'yo. Babagohin ko ang lahat para sa'yo. Ikaw pa rin ang pipiliin ko hanggang sa dulo.