Chapter 3

1.1K 73 3
                                    

Coleen's POV

Nandito na kami sa sinasabing mall. 

Nakakainis nitong si Gabb! Jusko, ang tahimik buong byahe, argh, ang boring niya. 

"Huy, pumasok ka na nga! Nagmukha kang tanga dyan!" Sabi naman ng gagong 'to, argh. 

Agad naman akong pumasok sa pinto. [Malamang sa pinto, di naman pwede sa puso ni ano... hayst, basta.] 

"Shit, ang daming tao," pabulong ni Gabb, pero narinig ko. 

"Bakit ka nagrereklamo ng maraming tao? Eh tao ka rin naman." 

"Manahimik ka nga dyan! Argh," sabi nito at agad na naglakad kung saan. 

"Hintayin mo nga ako. Para kang ano dyan, eh." 

Ilang minuto kaming naglibot-libot dito sa mall, hanggang sa huminto kami sa isang pamilihan ng damit. 

Agad naman kaming pumasok dito, kaya agad kaming inasikaso ng mga sales lady. 

"Ohh, Ma'am Gabb, napadaan po kayo," sabi naman ng isang sales lady at lumapit kay Gabb. 

Umupo naman si Gabb sa may gilid at nagsalita. 

"Bihisan niyo nga 'yan ng magagandang damit dyan," utos naman nito habang nakaturo sa akin. 

"S-siya po ba?" pag-aalinlangan nung isa habang naturo din sa akin. 

"May iba pa ba akong kasama?!" sabi ni Gabb. 

"W-wala po," sagot ng sales lady. 

"Oh, ano pa, tinatayo-tayo niyo dyan? BIHISAN NIYO NA, ARGH!" sabi naman nito, kaya agad nataranta yung mga sales lady. 

"Ang sama niya, buset! Kung maka-utos, parang siya yung may-ari, ehh," pabulong ko. 

"Uhm, miss, yung parents niya po yung may-ari nito," nagulat naman ako nang may biglang bumulong sa akin. 

"Ohh, ito po," sabi naman nung isang sales lady habang pinapakita sa akin ang limang magkakaibang damit. 

"Isukat mo 'yan lahat," utos sakin ni Gabb. 

"Ayo..." 

"Isusukat mo o isusukat mo?!" sabi ni Gabb. 

"Pucha naman, dapat ma-pride tayo, Coleen. Jusme!" 

"Ayoko nga!" sabi ko sabay cross-arm. 

"Miss, wag mo pong gagalitin si Ma'am. Iba po nagalit 'yan," bulong ng katabi kong sales lady. 

"Tss, mapride tayo, guys. Di porket gwapo't maganda tong kaharap ko, rurupok na tayo!" 

"Isusukat mo lang naman, ah! Bakit nag-iinarte ka pa?!" sigaw sakin ni Gabb. 

"Kasi gusto kong mag-inarte, eh! Bakit, inggit ka? Mag-inarte ka din!" sabi ko sa utak ko kaya di ko maiwasang mapangiti ng konti. 

"Ngiti-ngiti mo dyan?!" sabi ni Gabb. 

"Ito na, ito na. Isusukat na, galit na kaagad eh, tss," sabi ko at kinuha sa sales lady yung mga damit. 

I Was Finding a Reason to Exist, Then You Came.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon