Chapter 10

1.1K 88 16
                                    

Coleen's POV

Nagising ako at naramdaman kong may humahawi sa aking mga buhok.

"U-uhm, sorry, nagising ba kita?" sabi nito at kaagad na umupo sa tabi ng kama.

"Yep, but it's okay," sabi ko at pumikit na lang ulit.

"U-uhm, Coco," tawag nito sa akin.

"What?" tanong ko habang nakapikit.

"Can I ask?" tanong ni Gabb.

"Nag-tatanong ka na," sabi ko at tumawa ng kaunti, kaya nahampas ako nito ng mahina.

"Oh, magtanong ka na bago pa ako matulog ulit," sabi ko.

"Ilang beses ko na itong tinanong sa'yo, pero... nahuhulog ka na ba?" Ramdam ko ang pagka-seryoso nito, kaya napadilat ako.

"Sayo?" tanong ko at tumango siya.

"Hindi," simpleng sagot ko at pumikit na lang ulit.

"Eh, sa iba?" tanong ulit nito.

"Jusko, Gabb, basta ang alam ko ay humihinga ako," sabi ko, kaya nahampas ako ulit nito.

"Hampas ka ng hampas ah! Ikaw hampasin ko dyan!" sabi ko at dumilat.

"Hampas lang naman eh," sabi nito at nag-pout.

"Bakit ka nagpa-cute? Wala naman akong ginawa sa'yo ah!"

"Tss, sa'yo lang talaga di tumatalab 'yung ka-cute-tan ko," sabi nito at ngumisi.

"For your information, Gabrielle Skribikin, hindi ako marupok," proudly ko pang sabi, kahit alam kong di totoo. Jusko.

"Edi hindi," sabi ni Gabb.

"Huy, wag kang matulog. Di ka makakain niyan," sabi nito at hinahatak ang braso ko.

"5 na oh! Pag natulog ka ulit, baka 9 kana magising, wala ka nang kasabay kumain," concern ba 'to?

"I don't care! May kamay naman ako, kaya ko nang kumain mag-isa!"

"Ayaw mo kasabay ako?" tanong nito.

"Bakit ko naman gugustuhin na makasabay ka eh ang ingay mo pag kumakain!" Nung kumakain kasi kami kanina, puro kwento at tawanan lang kami ni Gabb. Jusko.

"Ahh, so ayaw mo talaga ako kasabay? Ganun?" sabi nito at nag-cross arms.

"Hindi naman kasi sa ganun..." Bigla itong lumapit sa akin.

"Huy! Ano ang ginagawa mo?!" tarantang kong sabi.

"Tara, Rock, Paper, Scissors tayo!" aya nito at ngumiti. Kaagad namang umupo siya sa gilid ko.

"Ang sosyal mo ah! Rock, Paper, Scissors talaga! Hahaha!"

"Ehh, gusto ko eh, pakialam mo ba?" may attitude reply nito.

"Eh? Ano naman kung panalo ako?" tanong ko, kaya ngumisi ito.

"Edi kakain ka mag-isa," sabi nito habang nakangiti.

"Paano kung manalo ka?" tanong ko ulit.

"Edi kakainin kita— I mean kakain ako kasabay mo," sagot ni Gabb.

"Okay, game!" Kaagad akong bumangon at umupo din sa kama kaharap siya.

"Rock! Paper! Scissors!" sabay naming sabi.

Nagulat naman kami ng pareho. Jusko.

"Paper ako, paper din siya."

"Oh, isa pa!" sabi ni Gabb.

I Was Finding a Reason to Exist, Then You Came.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon