Gabb's POV
Ng matapos na akong kumanta, sinilip ko naman ito kung gising pa, pero hindi na pala.
Kinuha ko naman yung hoodie ko at inilagay ng maayos sa lap niya.
Kinuha ko naman muna yung cellphone ko at tinignan na muna yung oras.
Hayst, 6:43 PM palang, argh!
Pinikit ko na muna ang mata ko at natulog.
7:00 PM
............
8:00 PM
............
9:00 PM
............
10:00 PM
............
11:00 PM
............
12:00 AM
............
1:00 AM
............
2:00 AM
............
3:00 AM
............
4:00 AM
............
4:20 AM
"Gabb, gising na!" tawag nito.
"Huy, gusto mo bang may makakita pa sa inyo dito?!" Agad naman akong napadilat at tinignan ito.
"Buwisit ka, Cole! Bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko?!"
"Mamaya ka na magtanong, umuwi na muna kayong dalawa," sabi naman nito. Kaya kaagad kong tinignan si Singkit na natutulog pa ng mahimbing.
"Huy, Coleen!" pag-pukaw ko dito.
"Hey!" Sinampal ko naman ng mahina ang kanyang pisngi.
"Hmm... Coleen."
"Gising na! Umuwi na muna tayo!"
Dahan-dahan naman siyang dumilat at tumayo.
"Wag ka mag-alala, Coleen. Magpahinga ka na muna, sasabihin ko nalang sa mga teachers natin na wag na muna pumasok sa time natin!" sabi ni Cole.
"Section niyo lang talaga?" pagre-reklamo ko.
"Kasalanan ko bang Section A ka at hindi ka ka-section namin?!" sagot ni Cole.
"Aish, bahala nga kayo dyan," sabi ko at agad na tumayo, kinuha na muna yung bag ko, at umalis.
"Oo na, sasabihin ko na din sa mga teachers niyo!" sabi ni Cole.
"Huy, Gabb, sabay na tayo!" Agad naman akong huminto at nilingon siya.
"Hindi mo dala yung kotse mo?"
"Uhm, dala naman. Bakit?" tanong ni Coleen.
"Oh, bakit kailangang sumabay ka pa?"
"Tinatamad pa akong mag-drive! Gusto ko pang matulog!" sagot ni Coleen.
"Eh??"
"Basta, di kita ililibre ng ice cream mamaya." Alam niya talagang magpapa-oo sakin, eh.
"Okay na, aish!"
Agad naman kaming naglakad, at ilang minuto lang ay nakababa na kami.
Agad namang sumakay si Coleen sa kotse ko, kaya sumakay na din ako.
BINABASA MO ANG
I Was Finding a Reason to Exist, Then You Came.
FanfictionMagbabago ako para sa'yo. Babagohin ko ang lahat para sa'yo. Ikaw pa rin ang pipiliin ko hanggang sa dulo.