Chapter 8

1K 83 7
                                    

Coleen's POV

Nandito na kami ngayon sa bahay; nakabili na kasi kami kanina ng ice cream.

"Akin na kasi! Ang kulit!" sabi ko kay Gabb, kinuha niya kasi yung phone ko.

"Tss, balaka jan!" sagot nito, mas tinaas pa ang kanyang kamay.

"Ahh, ganun!"

Agad akong tumalon at kinuha ito sa kamay niya at nakuha ko naman—akala niyo, ahh!

"May tinatago ka, no? Hala, HAHAHA!" Agad ko namang tinago ang cellphone ko.

Tumakbo ako pababa, pero bigla niya akong yinakap.

"Huli ka! Akin na, dali! HAHAHA!" Kinuha niya ulit ang cellphone ko, pero nagpipumiglas ako.

"H-huy, wag kang malikot!" sabi nito habang kinuha ang cellphone ko.

"Sabing wa—" Lumingon ako sa kanya at nagulat ako nang makita ang lapit ng mga mukha namin. Grabe, Coleen, kalma!

Ngumisi ito bigla at inilagay ang kamay niya sa likod, unti-unting lumapit sa akin.

Here we go again, jusme.

Nakaramdam ako ng pader sa likod kaya huminto ako. Naisipan kong tumakbo, pero bigla niya akong hinarangan gamit ang kamay niya.

"Oh, bat parang natataranta ka?" nakangising sabi nito.

"Baka nakakalimutan mong bahay ko 'to?! Pwede akong tumawag ng guard!"

"GUAR—"

Agad niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya at parang hinalikan ang sarili niyang kamay.

"Ayy kabayo! HUYYY GABB!" Nagulat kaming lahat nang may sumigaw mula sa likod nito.

Agad akong tumakas mula sa corner niya.

Lumapit ako kay Ate Abby at nagtago sa likod niya.

"Oh, bakit, Ate?" sabi nito, halatang tuwang-tuwa sa kanyang ginawa.

"Anong bakit? Di mo alam ginawa mo?!" Hala, lagot ka kay Ate, kala mo!

"Huh, anong ginawa? My binulong lang ako," pag-sisinungaling ni Gabb.

"Nakikita mo yun?" Turo ni Ate sa CCTV na nasa taas.

"Bakit?" di pa talaga natatakot 'to?

"Iche-check ko yan mamaya. Pag meron akong nakita na ginawa mo sa pinsan ko, malilintikan ka talaga sa akin!" sabi nito at kaagad na bumaba.

Si Gabb naman ay nakangisi pa rin—abugh, puñeta, di 'to natatakot kay Ate?

"Oh, cellphone mo!" sabi nito at kaagad na iniabot sa akin.

Aabotin ko na sana ito, pero nilaglag niya ito at hinila ang kamay ko papalapit sa kanya.

"Huy Gabb, tama na 'yan!" Halatang si Ate Sela 'to.

"Mga kaharutan mo, Gabb. Pag 'yan na-fall, yari ka kay Ate Abby!" sabi ni Ate Sela.

"Ang tanong, di pa ba talaga na-fall na?" tanong ni Gabb.

Agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko at pinulot ang phone ko. Jusko, pag 'to nabasag, ewan ko na lang.

Agad akong tumakbo pababa at hinanap si Ate Abby.

"Oh, nasaan si Ate Sela mo?" bungad nito na nakaupo sa hapag-kainan.

"Ahh, nasa taas pa yata," sabi ko at umupo din.

"Papasok ka bukas?" tanong ni Ate Abby.

"Oo, naman. Bakit naman hindi?"

"Eh mag-aayos lang naman ng school bukas para sa party sa Friday," sabi ni Ate Abby.

I Was Finding a Reason to Exist, Then You Came.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon