"Class dismissed" anang last subject teacher namin sa morning bago lumabas."Tara?" Aya ni Patricia, tumango ako at niligpit ang mga gamit ko tsaka tumayo.
"Daan muna tayo sa lockers, aayusin ko lang to" I looked at my books, nakuha niya naman kaya tumango na rin siya.
Wala si Xavion ngayon, pinatawag kasi siya ng head nila sa journalism, kasama pala siya sa magsusulat para sa newspapers ng school.
"Kung mag-aral kaya ako ng journalism? Mukhang interesting magsulat ng newspapers..." I said unconsciously, napaigtad ako ng marinig ko ang palakpak ni Patricia.
"Wow! Maayos yan! 'Di ka na tamad mag-aral- inspired ka na mag-aral!" Sabi niya, napalingon ang ibang mga estudyante sa'min sa lakas ng boses niya. I looked at them shyly tsaka ngumisi at tumango ng bahagya para humingi ng paumanhin sa pambubulabog ng bestfriend ko.
"Patricia! Hinaan mo nga yang boses mo!" Sigaw ko na pabulong.
Pero parang di niya lang din ako narinig at nagpatuloy sa pagsasalita. "Bilib ako kay Xavion ha! Napakaganda'ng impluwensya."
Umiling-iling ako. "Sabi nga ng paborito kong manunulat, 'true love inspires, not distracts'"
"Sure ka bang 'yon ang sinabi?"
"Ah basta! Ganun yung point!" I shook my head as I chuckle. Lumiko kami sa may lockers at binuksan ko yung akin, siya naman ay sumandal lang sa katabi'ng locker ng locker ko.
"Alam mo? Nakakasana all ka. I mean ako? Sa kalandian kong 'to-"
"Buti aminado ka" sabat ko habang nag-aayos ng gamit.
"'Wag ka nga! Nag-eemote ako!" Dumabog-dabog pa ito tsaka bumalik sa pagkakasandal sa lockers. "So ayun nga, sa dami kong nakarelasyon na mga lalake wala'ng Xavion Wang sa mga 'yon"
Tumuwid din siya ng tayo ng mauna akong maglakad. "Yun nga lang may kontrabidang hipon".
Tumigil ako sa paglalakad para hintayin siya, nilingon ko siya. "Bakit nga ba hipon ang tawag mo kay Kheana?"
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng maabutan niya ako. "Feeler kasi siya na mayaman-"
"Mayaman naman talaga sila ah."
"Pero di maikakaila'ng mas malago yung negosyo niyo kesa sa kanila..." umirap siya. "Ikaw nga super humble!-"
"Enebe!" Kunwari kinikilig kong tugon.
"Tapos siya-ew! Ugaling ipis! Mabuti nalang hindi natin siya naging kaibigan!" Tumawa ako.
"Oh? Paano naging hipon yung-"
"Hay nako! Sa tagalog ang shrimp ay hipon... Ang shrimp at ipis ay halos magkapareha na! Ang kinaibahan lang high class ang hipon..." Umiling-iling nalang ako sa eksplenasyon niya. Pinagtitinginan pa kami ng mga tao kahit na tahimik na kami, pero sinawalang bahala ko na 'yon. Nang makarating kami sa cafeteria ay nagtext si Xavion sa akin.
Xavion Wang:
Baby, nilibre kami ng head namin sa labas.Ako:
It's fine sasabay nalang ako kay Patricia.Hindi na siya nagreply after nun, at dahil nagluto si mama kanina binaon ko na kaya hindi na ako bibili- well except for drinks.
Umupo ako sa isang bakante'ng table at inilabas ang baon ko. "Oh!? Di kayo sabay ni Xavion ngayon?"
"Yea..." simpleng sagot ko dahil gutom na gutom na ako, kumibit balikat lang din si Patricia.
"Okay, dito ka muna bibili lang ako ng lunch." Tumango lang ako tsaka tumuloy sa pagkain. Sarap talaga magluto ni mama! Napapaungol pa ako sa sarap!
YOU ARE READING
First Love, Last [Slow Update]
Teen FictionThey say first love never dies- does that mean that our first is our greatest love? Does our great love give us chance to move one? Growing up Eudescey dreamt about having her own great love, like her mama and papa, and her sister. ...