Hindi ko na naimbita si Spencer sa loob ng apartment dahil nakapatay na ang ilaw at sigurado kong tulog na ang mga iyon. Ayoko nang gisingin.
"Bye Spence," Paalam ko, hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na isinarado ang pinto. I'm glad that my roommates are asleep so I have an excuse to not let him in.
Hindi ko alam kung maibabalik pa ba ang relasyon namin ni Spence dahil sa pag-amin niya. It will be very awkward for sure.
"Oh my god!" Rinig kong timpi na tili. I slowly opened my eyes and saw the three of them-- Haile, Holly, and Desiree staring straight into my deep asleep soul.
"Hoy!" Agad akong napabangon ng makita ang cellphone ni Desiree na nakatutok sa akin.
"You look good!" Puri niya.
"Umagang-umaga may pasorpresa ah!" Si Haile naman iyon.
"Hindi ka na namin nahintay kagabi, anong oras ka ba nakauwi?" Si Holly.
"Hindi ko alam, pero hindi masyadong gabi 'yon..."
"Nagdate kayo ni kuya?" Nag-asaran pa sila dahil sa tanong ni Desiree.
"I won't call it a date." Simpleng sagot ko lang tsaka bumangon para maghanda para sa eskwela. "Wag na nga kayo mag-aksaya ng oras! Male-late na tayo!"
Agad naman silang umalis at naghanda. Pumasok ako sa banyo at agad na huminga ng malalim.
The confession last night with Spencer still haunts me! Sana hindi na kami magkita muna!
Habang nasa byahe kami papuntang school ay panay ang pag-check ko sa aking cellphone. It's a good thing that he's not texting-- or is it?
I checked on it again and really saw nothing. Ni hindi niya man lang ako tinext kagabi kung nakauwi na siya.
Random scenarios suddenly appeared on my head. What if naaksidente 'yon?!
Umiyak-iyak siya habang nagdadrive kasi hindi ko naibalik yung feelings niya?!
Oh no!
I typed a text for him.
To Spencer Zion:
Spence? Nakauwi ka ba ng buo?
I sighed and pressed send only to find myself more worried because he's not replying!
Nakarating nalang kami sa eskwelahan ay hindi pa rin magkamayaw ang utak at puso ko sa pag-iisip sa kalagayan ni Spence ngayon.
Should I call his friends. I sighed. Wala akong numero nila.
I checked my phone to see if he replied but he still didn't! Ni hindi niya pa nakikita! I should call Samantha.
I checked on my phone to see Samantha's phone number but... lucky me, wala rin akong numero ni Mantha!
I breathed before facing Desiree's way to ask: "Sai may number ka ba ni--"
Nahinto lang ako ng mapansing wala pala akong kasama habang naglalakad! Pinagtinginan ako ng mga nakasalubong ko kaya nagmadali nalang ako papunta sa unang klase ko ngayong araw.
Sa gitna ng klase ay panay pa rin ang pukpok ko ng kung ano-anong bagay sa aking ulo dahil wala talagang pumapasok sa utak kong kahit ano!
"Oh my..." I heard Olivia's comment as I walked pass her. As rude as it sounds I'm gonna try and cut her out of my life. Kaibigan siya ni Kheana, at hindi ko alam kung paano tumakbo ang utok ng ma-kutong babaeng 'yon.
YOU ARE READING
First Love, Last [Slow Update]
Teen FictionThey say first love never dies- does that mean that our first is our greatest love? Does our great love give us chance to move one? Growing up Eudescey dreamt about having her own great love, like her mama and papa, and her sister. ...