1

19 7 0
                                    

Finally! After hours natapos na rin ang Values project ko!

Groupings kasi dapat to pero as usual ako lang nanaman ang nagtrabaho ano bang inaasahan ko sa mga kaklase ko?

Alas k'watro na ng hapon may usapan pa kami ni Patricia na magkita ngayon, pero pagod na pagod na talaga ako.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama tsaka tumitig sa dilaw kong kisame na napupuno ng glow in the dark stars. Marahan kong minasahe ang nanakit kong balikat habang dahan-dahang pumikit at agad nakatulog.

Naalimpungatan nalang ako ng gising ng tumunog ang cellphone ko dali-dali ko itong kinuha at sinagot habang pinupunasan ang nangingilid kong laway.

"Hell-"

"Jusko Eudescey trenta minutos na akong naghihintay sa'yo dito! Ano may balak kabang i-injan ako ha?!" Patay! Si Patricia!

"Pau sorry! Kakatapos ko lang kasi sa project natin kay ma'am Luzvimin" banggit ko sa pangalan Values teacher namin, parang naintindihan niya naman ako kaya siya bumuga ng marahas na hininga.

"Okay I'll wait for you here" aniya.

"Sige mag-aayos lang ako-"

"Nako 'tih' 'wag ka nang umar'tih' naiinip ako rito!" Nailayo ko pa ang cellphone sa teynga ko sa sobrang lakas ng boses niya.

"Excuse me ma'am" someone interrupted her, must be a waitress. "Yes?" Sagot niya sa malambing na boses. "Please lower down your voice, nakakaabala ho kasi kayo sa ibang costumers."

"Sorry po" mahinhin niyang paumanhin, tsaka bumalik sa pagsigaw sa'kin. "Geh bye!"

Napaigtad nanaman ako sa boses niya. Mukhang galit na galit nga patay ako dun!

Patricia is a very loud woman, at yung ingay niya nakakairita na. My classmates would always ask me how I managed to be with her, but you know what Patricia is my only friend na hindi plastic, prangka pero maintindihin, maingay at walang sense pero di mo mapigilan ang mapangiti pagkasama siya.

Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso ako pababa ng bahay kung saan naabutan ko si daddy na nagbabasa pa ng tabloids.

"Pa, kay Patricia lang ako" aniko habang nagmamadaling isuot ang sandals ko.

"Mmm, hapon na nak" Mukhang 'di pa sasang-ayon si papa.

"Pa may usapan kami ni Patricia, natulugan ko lang"

Hindi pupuwede'ng di ako makapunta! Patricia would be so furious!

"Okay, pero 'di ka na namin mahahatid, sira yung kotse natin." Sabi niya pa habang binababa ang tabloid niya tsaka tumitig sa'kin.

"Thanks pa!" I rushed to kiss him in the cheeks, bago ako nagmano at tumakbo palabas.

They knew Patricia so well... she's my only friend now. The only friend I'd care about now, at kapag ininjan ko siya sa date naming toh... maiiyak siguro ata ako sa taas ng pride nun, hindi'ng hindi niya ako mapapatawad. Well... with maximum of 2 weeks, di niya rin ako matitiis pero kahit ganun, hindi ko matiis ang 2 weeks na panunuyo.

"Oh? Sa'n ka?" Tanong ni ate ng magkasalisi kami sa may gate.

"May pinag-usapan kami ni Patricia ate... I'm in fact 32 minutes late." Nilingin ko ang tao sa likod ni ate. Si Vaugn iyon fiance niya, nahagip ko ang mata niya kaya tinanguan ko siya.

"Naku! Hindi ka ba magpapahatid? Sira daw yung Hummer natin, hatid ka nalang kaya namin?" Alok ni ate sabay lingon sa fiance niya, tumango naman ito.

"Naku rin ate! Magc-commute na ako!" Tanggi ko sabay halik sa pisnge niya, tinapik ko naman ang balikat ni Voughn ng nadaanan ko.

"Eudescey Camila! Sigurado ka ba?!" Hinabol ako ni ate palabas, may pag-aalinlamgan ang boses niya.

"Oo Eustace Joana!" Umirap ako tsaka pumihit patalikod sa kanila ni Vaughn at kumaway.

Hindi naman ako masyadong nahirapan maghanap ng tricycle dahil nasa tapat naman ng highway ang mansyon namin.

I know when ate Eustace is feeling worried tinatawag niya ako sa buong pangalan ko. I don't know why she's too worried about me commuting though, and I don't bother asking.

Tunog ng tunog ang cellphone ko dahil sa texts ni Pauline, hindi ko na iyon pinapansin dahil puro lang naman yun: Ghourl! Inaamag na ako! O: Konting bilis naman diyan.

Siya kaya pagdrive-in ko?

But it got me thinking it's weird for her to act like that... parang may mahalaga talagang sadya sa akin. Usually kasi pagsinasabi kong 'otw' alam ng lahat na on the way talaga ako. I'm not like others na nags-send ng otw pero di pa nakaligo. If I said I'm on the way, I really am.

Pag-angat ko ng tingin ay sinalubong agad ako ng orasan sa may General Santos City plaza na nagsasabing 3:37 na. Mariin akong napapikit. Naku! Lagot talaga ako nito!

Tinitingnan ko ang mga estudyante ng Ramon Magsaysay na naglalakad o pumapara ng mga tricycle, marahil ay uwian na nila.

Nang malapit na ako ay nahagip ng paningin ko ang isang royal blue na Vios sa parking lot. Napako ang tingin ko roon.

I know that car! Binasa ko pa ang plate number nito. Confirmed! Kotse nga ito ni Xavion!

Unti-unting nanlaki ang mata ko ng napagtagpi-tagpi ko ang lahat! Sinet-up ako ni Patriciq!

Gusto kong umatras! Tumitiklop na ako di ko pa nakaharap! Fuck! Ano nanaman ba ang naiisip ni Pauline! Nakakahiya! Di man lang ako nakapag-ayos!

"Hoy sino yung bababa sa Blugré!" Sigaw nung driver na nakapagbalik sa akin sa ulirat! Unconsciously I spaced out.

"A-ako po! Ako po!" Nanginginig kong sagot sa sobrang kaba! Dali-dali kong inabot ang pamasahe ko tsaka, hindi nag-iisip na pumasok sa café. Shit!

Gusto kong umatras kaso...

"Eudescey!" Tawag ni Patricia sa'kin... huli na ang lahat. Nakita ko ang pagharap ni Xavion sa akin. Pumikit ako ng mariin.

Hindi ako nagkakamali.

Xavion smiled at me...

"Hi..." medyo matagal pa bago niya iyon dinugtungan. "Eudescey"

Nanghina ang tuhod ko, at tumaas ang balahibo ko sa batok.

Shit... talaga.

Author's Bullshit:
Pauline is Patricia

First Love, Last [Slow Update]Where stories live. Discover now