5

13 6 0
                                    

Author's bullshits:

Medyo nagloloko ang phone ko marami tong typo sorriiiii
This is also kinda long hihihi

-~●~-

"Eudescey!" Tawag ni Xavion sa akin, matapos yung announcement kanina ay dumiretso na ako palabas, naabutan ko si Pauline na pabalik at medyo nangingiti pa. "Eudescey..." Nilingon ko si Xavion dala-dala niya na rin pala ang bag ko.

Kinuha ko ang bag ko galing sa kaniya. "Eudesc-" pinutol ko na ang pagtutol niya.

"May plano kasi kami ni Patricia ngayon Xav... next time mo nalang ako'ng ihatid." Sabi ko habang sinusuot ang bag ko, hindi ako tumingin sa kaniya. Matapos ko'ng suotin ang bag ko ay tumalikod agad ako, para harapin si Patricia na medyo naguguluhan pa sa mga nangyayari.

"Tara... Patty." Sabi ko sabay senyas sa kaniya, muhang nakuha niya naman 'yon dahil medyo lumiwanag ang mukha niya.

"Ah! Oo nga pala sige-" naputol pa siya sa pagsasalita ng hilahin ko siya.

"Uhm... ihatid ko na kayo!" Hinarangan ni Xavion ang daanan namin. Pinisil ko naman ang kamay ni Patricia na hawak ko.

"No need Xaviii..." Dumaan sa pagitan namin si Patricia at hinila niya naman ako. "Bye Xavion!" Lumingon pa si Patricia ngunit ako ay hindi na. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Tumungo ulit kami sa classroom para kunin ang bag ni Patricia, nandun pa'rin ang grupo nila Kheana tumingin sila sa amin ng makita kami'ng nagmamadali, may sasabihin pa sana si Aellish sa amin ngunit nagmadali na kami'ng lumabas. Dumiretso kami sa lockers at kinuha ang mga natitira pa naming gamit, at dumiretso palabas. Pumara kami ng tricycle at sinabi ang mga address ko.

"Oh ayan! Tinulungan na kita sa pagtakas kay Xavion ha! Kwits na tayo!" Tugon niya pagkapasok na pagkapasok namin sa tricycle. Hindi ko na siya sinita sa lakas ng boses niya dahil kami lang naman ang pasahero rito na estudyante, o taga Holy Trinity at tsaka open-pipe rin ang tricycle na sinakyan namin kaya medyo maingay.

"Bakit?- I mean ano'ng kwits?" Nagtataka'ng tanong ko.

"Duh? Kanina? Hindi kita nabigya'ng pansin kasi pre-occupied masyado ako kay sir?!" Halos magsigawan kami sa pagsasalita rito, ang ingay kasi talaga ng tricycle.

"Ano ka ba! Wala 'yon!" Pero sinadya talaga ni Patricia na ito ang parahin dahil wala'ng Trinitians.

"Ah ganon?! O edi ikaw yung may utang sa'kin ngayon!"

"Ay-"

"Ops! Wala nang bawian!" Peste! Dapat pala di ko na sinabi 'yon! "Madali lang naman 'yong bayad! Bakit mo iniiwasan si Xavion?! 'Wag mo sabihing naniwala ka sa mga hipon na 'yon?!"

"Alam mo? Mukhang tama sila-"

"Ano?! Ano'ng tama sila?! Ano ka ba-"

"Sandali nga lang Pat-"

"Ano'ng san-"

"Hoy! Ang iingay niyo! Tumahimik nga kayo! Nakakaabal kayo sa iba'ng pasahero!" Napaigtad kami'ng dalawa ni Patricia sa sigaw ng driver. Napalingon kami sa mga kasabayan naming sumakay. Okay then again, they're all looking at us weirdly.

"Ikaw kasi!" Pabulong ko'ng sigaw.

"Oh! Meron naman pala yan! Pababain ko kayo eh!" Anang driver pa.

"Sorry po." Hingi namin ng paumanhin sa mga naabala namin.

"Eto nga kasi..." bulong ko lumapit naman sa'kin si Patricia. "Kanina'ng in-announce ko na wala tayo'ng klase ay dumating si Xavion at Kheana na magkasama!" Pabulong ko pa'ring sigaw.

First Love, Last [Slow Update]Where stories live. Discover now