Fiancé
"Nathalia! ishot mo na 'yan!" sabay na sigawan ng mga kaibigan ko habang inaabot sakin ang shot glass na puno ng tequila.
"Napapansin ko na ah lagi na lang ako ang umiinom, nilalasing niyo ba ako?" sabi ko tsaka kinuha ang shot glass at nilagok ito. Napa pikit ako sa init na dumaloy sa lalamunan ko.
We are here at Xylo at the Palace. I'm with Jess, Spencer and Coby. Ngayon na lang kami nagkaroon ng time na mag bonding because of our hectic schedules. Lahat kami may mga trabaho na kaya sinusulit na namin kapag nagkakasama kami.
"Kumusta buhay pag-ibig mo,liah?" Kristel asked while holding her shot glass.
"I have no time for that, Kristel. Busy ako sa trabaho ko at alam mo naman na ako na lang bumubuhay sa sarili ko since na namatay ang mga magulang ko" sagot ko dito.
"Really? Baka naman hindi kapa nakaka move-on sa isa d'yan, lia?" singit ni Spencer na nakikinig din pala sa usapan namin.
I rolled my eyes tsaka nilagok ang isang puno ng tequila.
"Seriously? Matagal ko na siyang binaon sa nakaraan ko, masaya na ako sa kung anong mayroon ako ngayon, okay? I'm completely fine, see?" sabi ko at ngumiti sakanila.
"Well, that's good to hear na nakalimutan mo na siya because you know mahirap mag mahal sa taong ikakasal na" sagot ni Kristel.
Tumaas ang kilay niya nang napansin ang gulat sa mukha ko at napatingin ako sakanya. Kahit na maingay dito sa loob ng club dahil sa hiyawan at maingay na music, rinig na rinig ko ang sinabi niya.
"I thought alam mo na? Mukhang halata sa itsura mo na wala kang ka alam-alam ah?" singit naman ni Jess na nakikinig din pala sa usapan namin.
"Hindi ko alam na ikakasal na siya, busy nga ako sa work 'diba? Tsaka wala na din ako balita sakanya kaya kung hindi niyo pa sinabi,hindi ko talaga malalaman"
"Pano kung magkita kayo? Ano gagawin mo? Baka magmakaawa ka sakanya na balikan ka niyan ha? Balita ko na nandito na daw 'yan ngayon sa manila kasama fiancé niya" Sabi naman ni Spencer.
"Kung makita ko 'man siya edi congratulations na lang 'diba?" sagot ko dito.
Tumayo ako at inayos ang dress na humahapit sa katawan ko. I was wearing red spaghetti strap dress with silver heels. Nakalugay lang ang buhok ko habang ang dulo nito ay umaalon.
"Alam niyo ang boring niyo! Let's dance!" sabi ko habang hinihigit ang kamay ni Jess.
Sabay sabay tumayo sina Jess, Kristel and Spencer except kay Coby na pinaka tahimik samin lima.
"Oh ikaw Coby? Ayaw mo sumayaw? Lumaki na tayo pero ganyan kapa din, tahimik" sabi ni Spencer.
"Dito na lang ako, bantayan ko na lang gamit niyo" sagot nito.
"Whatever Coby, Kj mo talaga! Tara na!" sigaw ko.
Pumunta kami sa gitna ng dance floor at sumayaw. Tawanan lang kami ng tawanan dahil dala na rin siguro sa daming na inom. Nawala na sa paningin ko sina Jessa, siguro ay may mga kasayaw ng iba. Hindi ko na lang pinansin at sumayaw na lamang ako habang dinadama ang tugtog na medyo pamilyar sa akin hanggang sa naramdam ko na may tao sa likuran ko na sumasabay sa pag sayaw ko. Nung una ay hindi ko na lang pinansin ngunit nang naramdaman ko na hinawakan niya ang puwetan ko ay agad akong tumigil.
"Excuse me? Hinipuan mo ba ako?" Tanong ko sa lalaki na masasabi kong gwapo but not my type.
"Oh sorry! Nadulas lang miss" Sabi niya na may ngisi sa labi.
"Nadulas your ass, tanginamo bastos" sabi ko tsaka umalis.
Napag isipan ko na pumunta muna ng cr para mag retouch ng konti. Habang naglalakad ako ay medyo nahihilo na yung paningin pero alam ko pa naman ang ginagawa ko.
"Excuse me, Padaan please" Sabi ko sa isang grupo ng lalaki na nakaharang sa daan. Tumabi naman ang iba ngunit may isang lalaki na nakatalikod sa akin na hindi pa rin tumatabi sa dinadaanan ko.
"Hey! Did you hear me? I said excuse me!" sabi ko habang medyo nahihilo na ang paningin.
Humarap siya sa akin at ngumiti. Parang tumigil sa pag tibok ang puso ko at pakiramdam ko bigla akong nanigas sa kinaka tayuan ko. Para na rin akong nahulasan at nawalan ng sasabihin dahil nandito lang naman sa harapan ko ang lalaking minahal ko ng halos ilang taon.
"It's nice to see you again, Nathalia"
