Mad
"Hoy, Lia! Sa'n kayo galing kahapon ni Noah ha?" Tanong ni Jessa habang nagsusulat.
Nandito kami ngayon sa library para mag aral. Kasama ko sina Jessa at Kristel. Si Spencer at Coby ay may training kaya wala sila ngayon.
"Huh?"
"Huh?" She mocked
"Hindi naman kami magkasama kahapon"
"Anong hindi? may naka kita sa inyo kahapon 'no" sabi naman ni kristel na may halong pang-aasar
I sighed, heavily. "Okay, sinamahan ko lang siya magpa check up ng aso niya" pag-aamin ko
Naningkit ang mata ni Kristel habang nakatingin sa akin kaya ako ay napa iwas ng tingin.
"Ewan ko lang ha, Pa'no kayo naging close ni Noah? I mean, Yes nakasama natin siya sa pandin no'n pero hindi naman kayo nag uusap no'n 'diba? Matagal naba kayo lumalabas nang patago? Ilang beses na?" sunod sunod nitong tanong
I sighed again and rolled my eyes. Bakit kaya napaka daming tanong nitong babae na 'to.
"Dalawang beses na kaming lumalabas na magkasama, Okay?" sagot ko naman
"OMG! So, you guys are dating na?" Tanong naman ni Jessa habang kinikilig na parang hindi makapaniwala.
"Sssh! 'wag kayo maingay!" pagsaway ko sa dalawa
Napatingin ako sa paligid namin dahil may mga ibang masama ang tingin sa amin dahil siguro sa ingay namin.
"We're not dating! nagpapasama lang siya sa'kin" I denied fast. I mean, that's the truth. Nagpapasama lang naman talaga sa'kin si Noah kaya hindi ko dapat lagyan ng meaning 'yun. Yes, crush ko siya at alam ko na hanggang do'n lang dapat 'yun.
"Alam mo, umamin kana sa amin na gusto mo si Noah. Hindi na kami magugulat 'no just like what I've told you before, madaming nagkakagusto sakanya at isa kana do'n"
"Okay, crush ko si Noah. Hanggang do'n lang 'yun. Wala naman masama do'n, right?" Pag-aamin ko sakanila
"Walang masama sa crush, Lia. Mabait naman si Noah eh. Madami ka lang talaga kaagaw but nasa iyo ang korona dahil kayo ang nagkakasama!" maligayang sabi ni Jessa habang kinikilig pa.
Inasar pa nila ako ng konti pero nung sinabi ko na kailangan namin mag review for exams ay tumigil na rin sila. Mayamaya pa ay napatingin ako sa pintuan ng library. Pumasok si Noah, kasama niya mga kaklase niya. Wala si Erick kaya yung iba niyang kasama ay hindi pamilyar sa'kin. Nung una ay hindi pa ako napapansin ni Noah pero nung napa gawi ang tingin niya sa pwesto namin ay tumigil ang tingin nito at ngumiti sa'kin. Napansin ito ni Jessa at Kristel kaya kumaway ang dalawa.
"Ikaw ha! biglang nag twinkle 'yang mata mo nang makita mo si Noah ha! Iba yung ngiti mo ngayon oh! ngiting inlove!" pang-aasar ni Kristel sa 'kin.
"Alam mo tawag diyan?" Tanong ni Jessa
"SANA ALL!" sabay sabi nung dalawa kaya pati ako ay napatawa na lang din. Mga baliw talaga.
Umalis na rin kami sa Library. Hindi ako nakapag paalam kay Noah dahil wala siya sa upuan niya, baka siguro naghahanap ng books, Ewan. Pumasok na rin kami sa klase. Naabutan namin na nandon na sina Spencer at Coby na halatang kakagaling lang sa training.
"Tara kumain sa labas mamaya, ano?" bungad agad ni Spencer sa amin
"Hindi ako puwede, mag-aaral ako. Exam na natin bukas Spencer" Si Jessa habang nag aayos ng gamit niya.